Thursday, June 14, 2018

Day 165: Tamad na Pilipino (magsasaka)

Gigising sa umaga ng ala singko
sabay maghapon nang mag aararo
maghapon akong nakayuko
bago pa sumapit ang gabi ng alas otso

dugo at pawis ang aking inaalay
kahit putik at laman ko naging magkakulay
iniaalay ang buong buhay namin
may maihain lang na kanin

kaming maghapon magdamag magtrabaho
ay hindi napapansin ninyo
pare parehas lang tayong pilipino 
pero bakit parang ambaba ng ranggo ko

kaming nagaayos ng palay para sa kanin
ang hirap humanap nang makakain
ang hindi ko pa matanggap
ay tatawagin ang mga magsasaka na tamad

madalang sa buong buhay ninyo
na kailanganin niyo ang isang inhinyero at abogado
ngunit mas malaki ang kanilang sinusweldo
ako kaya ang tumigil sa trabaho

pag dumating ang araw na wala ng kanin
sa inyong mga hapag kainan 
wag kayo lalapit sakin
at nalaman niyo bigla ang aking kahalagahan

kaya wag niyo sasabihin tamad ako
sadyang hindi lang pantay ang trato
subukan niyo ang aking trabaho
baka bumagsak kayo ng ilang minuto

sa pantay na pagtingin
alam kong may halaga kami
sa mundong walang salapi
malamang kami ang bayani

No comments:

Post a Comment