Monday, June 18, 2018

Day 169: Unang araw

Sa unang araw ko sa kolehiyo
umaga pa lang nanibago na ko
sa paggising ko ng alaskwatro
kahit ala siyete pa ang klase ko

lunes ng umaga agad bumangon
dahil malayo na ang paaralan ko ngayon
Buong buhay ko ako'y nag aral sa Calamba
biglag talon sa Batangas kaya mistulang iba

pupungas pungas pa ang aking mga mata
habang ako ay naglalakad sa kalsada
ang hirap ng biyahe ay nasimulan
mula jeep crossing hanggang tanauan

nahirapan pa ko sumakay
sa jeep g tanauan, pagka't maraming kasabay
sa oras ng aking pagkaupo
ay pagdadasal na wag sana madukutan ako

lumipas ang tatalumpung minuto
at hindi ko natatanaw ang paaralan ko
hindi ako sanay sa ganito
kaya ngalay na nag pwet ko

habang nasa mahabang byahe
napansin ko ang mga tao, bata, lalaki at babae
hindi pa nagsisimula ang araw nila
ngunit bakas na ang pagod sa mga mata

magsisimula pa lang ang araw
ngunit mayroon ng mga bumibitaw
lumalaban na sa antok kahit maaga pa
kitang may pinagdaanan bago tumayo sa kama

iba ibang kwento ang nakakubli
sa mga pagod at pilit na ngiti
mga taong may kaniya kaniyang istorya
mga taong may haharapin na araw pa mamaya

pagbaba ko ng jeep, nanlambot ang aking tuhod
di sanay sa matagal nakaupo, mistula pang nakaluhod
mabilis akong tumatakbo sa aking bagong paaralan
at agad tumakbo sa aking silid aralan

mga bagong mukha sa bagong taon
buhay sa bago para sa bagong pagkakataon
mga makakasalamuha ko
sa darating pa na apat na taon

sabay bati sa mga dating kabigan
at ngayon lamang nagkakilanlan
mahabang araw sa kani kanilang mundo
sa lugar na ituturing ko na tahanan ko

No comments:

Post a Comment