Tuesday, June 12, 2018

Day 163: Luha sa telepono

Sabay lunok ng aking laway
nang lumabas ang pangalan mo
ng madaling araw, sa aking telepono
sabay ang kabog ng aking puso

makalipas ang ilang buwan
bigla kang nangamusta
kahit nagaalangan
kinamusta na rin kita

humaba ang usapan
nang di ko namamalayan
na lumipas na ang magdamagan
kausap ka habang nakayakap sa unan

nalaman ko na may bago ka na
at seryosong masaya na
kahit hindi ko alam kung bakit
biglang bumalik lahat ng sakit

kanina ko pa sinasabing
okay lang at okay na ako
ngunit sa bawat letrang akong pipindtuin
ay sabay ng pagtulo ng luha ko

habang alam ko na masaya ka na
sa piling ng iba
pilit kong sasabihin sa iyo
na masaya ko para sa iyo

at dumating na ang araw
at kinailangan mo na nga magpaalam
pinilit ko ikubli at wag pumalahaw
habang sinabi mong "muli, Paalam"

Kaya ngayon eto ako
ninakaw mo ang isang gabing tulog ko
inihanda ang kama, buti ay sabado
at tutulog ako, pagpunas ng luha sa telepono

No comments:

Post a Comment