yung sobrang tawa mo masusuka ka? o masasaktan
ka ng tiyan kakatawa? yung maluluha ka na lang?
pwes ito na! ihanda mo ang sarili mo
"Minahal kita"
Oo, minahal kita di ba nakakatawa?!
Tipong kada binabanggit ko ang salitang mahal kita
sa anyong naganap ay nasasaktan ang aking kalamnan
Nasusuka ako sa bawat panahon na aalalahanin ko
na minsan kitang minahal
pero lumuluha ako sa bawat oras na maiisip ko na
tapos na tayong dalawa
Pero ako yung nasaktan eh bakit hanggang huli
ako yung humingi ng tawad?
kinailangan kong hanapin ang sarili ko
na minsang nawala sa mga bisig mo
kaya ako nawala ng walang iniimik na kahit ano
Bakit hanggang huli, kasalanan ko na nasaktan ako?
Mali ba na ginawa ko ang tama?
O mali na minsan sayo ako'y tinamaan?
Tinuruan mo ko magmahal ngunit
hindi kung pano ka limutin
Hahanapin mo ang sarili mo?
Pano naman ang mga nawala sa akin?
dahil sayo nagulo pa ang mundo ko
bakit ka pa dumating kung may naka handa
ka na pa lang paglisan?
ano to gaguhan?
isinama kita saking mga dasal pero bakit
ako naging katatawanan?
Hinangad ko ang buhay natin
sa sunod na limang dekada
ayun pala pang isang taon ka lang
Ginulo mo ang isip at ayos ng buhay ko
ikaw ang naging LAKAS ko
ngunit sa tagal ng panahon
ako ay naSAKAL pero ang kapal mo
dahil ikaw pa ang may LAKAS ng loob
na makipag KALAS
Ginawan mo ko ng katedral sayong mga pangako
at dagat ng luha ang naglubog dito
ginawa mong umaga ang bawat dapit hapon
ngunit sa huli ang lahat ay naging takip silim
Tama sila na ikaw ang buwan
dahil pagdating ng araw ay iniwan mo rin ako
Pero kahit ganun sa iyo ay minsan akong sumaya
Kaya ito ako nag papasalamat sa iyo
Salamat, sa mga gabing tumagal ng ilang araw
At salamat mga araw na naging gabi
Salamat, sa matatamis na salita
at salamat sa mga mapait na kapalit nito
Salamat sa mga bagay na binuo natin
at salamat sa pag giba nito
Salamat dahil sayo di ko alam ang gagawin ko
Ngayon ibibigay ko na ang punchline
Sa iyong paglisan
nahanap ko ang aking sarili
No comments:
Post a Comment