Cecilia,
Maaring hindi mo inaasahan ang pagpapadala ng aking liham at maguluhan ka sa mga sunod kong sasabihin. Paumanhin na rin ang gulo ng aking sulat, sapagkat hindi mapigilan ng aking puso sa pagtibok at kamay sa pag nginig.
Naalala ko noong una tayong nagtagpo. Ang iyong pagdating sa aking buhay ay lubhang pangkaraniwan, tulad lang ng iba. Ngunit nagiba ang dating ng ngiti mo sa akin. Higit pa sa iyo o aking pang unawa kung paano umaaliwalas ang aking araw sa payak mong presensya. Nagiba ang kinang mo sa aking mga mata.
Higit sa panlabas mong kagandahan, marami pa akong hinahangaan sa iyo. Isa kang mapusok na dalaga na may mataas na antas ng pag iisip at matinding paninindigan. Masarap kang kasama, tila sa mga pahapyaw mong biro ay sumasaya ang lahat. Nais kong malaman mong higit na pinalagablab ang aking damdamin ng iyong pagkatao higit sa iyong panlabas na anyo.
Ako’y lubos na humahanga sa pananaw mo sa daigdig. May paggalang ka rin sa suhestiyon ng mga tao sa paligid mo. Isang katangian na malayo sa karaniwan.
Marahil ngayon ay nakuha mo na ang aking mensahe. Oo, minamahal, iniirog, at sinisinta kita. Hindi mo kailangan mangamba sapagkat malinis ang aking hangarin. Pagkakataon lamang upang patunayan ko ang aking nadarama ang tanging hiling ko mula sa iyo.
Salamat sa iyong oras at salamat sa kalawakan at tadhana dahil sa dami ng mundo at panahon ay nabuhay ako sa kung saan napaparoon ka rin. Muli salamat.
Lubos na gumagalang,
Francisco
No comments:
Post a Comment