Monday, February 12, 2018

Day 43: Pag iisa

Natuto akong tapakan ang preno
Bago pa pihitin ang susi ng oto
At bago pa man na magkamali ako
at bago pa man mahusgahan ng mundo

Ayaw ko mabigyan sila ng dahilan
Kaya't tahimik upang di matitigan
Kahit ang mga simpleng nagdadaanan
Pakiramdam ko ako'y nahuhusgahan

Pagtingin sa labas ako ay tulala
Iniisp kung ditpo'y may hihigit pa
Tinutuktok ang salamin ng bintana
Kumakaway nang nakatalikod sila

No comments:

Post a Comment