Saturday, June 30, 2018

Day 181: Love at first sight

She walk the field filled with grace
but she has craziness in place
imagine a goddess whose beauty is unparalleled
with a mind of a child whose heart, pain is never felt

she became the reason why
I go to school everyday
she is the reason why
I fight my demons everyday

the moment she arrived in my life
I saw the sun once more, I could not believe
Just when I thought I'd given up on love
Again, I believed

jumbled schedule, trapped in your sight
I could and would not escape it
they said keep those feelings inside
but who could do it

every person in the campus
is a walking painted canvas
I saw love on the tarot card
And then I met you

Friday, June 29, 2018

Day 180: Tulipan

Sa bulaklak ng isang hardin
may isa akong napansin
isang rosas na bukod tangi sa paningin
na hindi ko ninanis pitasin

sa hardin ng rosas siya ay isang tulipan
tulipan, na bukod tangi ang kagandahan
sobrang inibig ko ang tulipan
ay araw araw ko itong pinagmamasdan

hinayaan mo siyang sumibol mag isa
at kung pipitasin, di na ko nagtangka
dahil natatakot ako na sa aking mga kamay
lamang siya manuyo at mamatay

kaya araw araw ko itong binibisita
at binabantayan na baka masira
habang ang mga rosas sa paligid ay napipitas na
ang tulipan na ito ay sumisibol pa

isang araw dumating, nadurog aking puso
na nakita ko ang tulipan na wala sa kanyang pwesto
hinanap ko siya ng hinanap nang nakita ko
nasa ibang kamay na ang mahal na tulipan ko

naging masaya na lamang ako
na may nag alaga ng minahal na bulaklak ko
ngunit nawala rin ang saya ko
nang nakita ko itong nanuyo

sa kamay ng iba na di alam paano
alagaan ang isang bulaklak na tulad mo
kaya habang buhay na pagsisisihan ko
na sana sumibol ka pa sa piling ko

Thursday, June 28, 2018

Day 179: Stars

the night met the day
and the moon began to raise
along with dark clouds and stars
I start seeing them in your eyes

if I have a star from the sky
for everytime the thought of you make me smile
the world would be dark
as the entire night sky is at the palm of my hand

every constellation leads to your name
and everytime it shapes your face
the curve of your smile shows
as the entire night sky glows

you are my wish for every wishing star
as well as my light in a moonless night
and now as every planet align
I still look for a sign

A sign that leads me to you
sign where it ends with us two
in reality where I'm yours
and a parallel where nothing is forced

maybe I could always look at a telescope
enjoying ever planets form
millions of worlds in space
yet, in one world where a person could make my heart race

Every star may signify a person
where everyone lives for a reason
maybe in this world that always makes me blue
I'm blessed to find someone like you

infinite worlds and infinite lifetimes
countless possibilities and times
and I am just really glad
I live where I can be by your side

Wednesday, June 27, 2018

Day 178: Ms. BatangueƱa

Makulit na sobrang kalog
na kapag kinausap mo ay parang sabog
pero sa kabila ng pagiging bibo
at may natatago siyang talino

hindi mo siya pwedeng husgahan
kung sa isang tinginan lamang 
dahil sa iba't ibang anggulo
ay iibig ka pag napagmasadan mo

sa pag sinag ng araw sa kaniyang kutis
ay umiilaw ang porselana niyang balat
kahit ang buhok lang niya ay pasimpleng hinawi
sadya kang mabibighani

sa paghalik ng araw sa gabi
ako ay nag mumuni muni
kung dito sa munting binibini
ako lamang ang nabibighani

kasi iba siya sa karaniwan mong makikita
hindi lang kasi siya basta maganda
kahit ano atang madaanan niya gumaganda
pero alam mo na may higit pa sa kaniya

kaya kong ipunin lahat ng mabulaklak na salita
ngunit hindi sapat upang ilarawan siya
higit pa sa perpekto ang kaniyang katangian
higit sa kayang unawain at kayang maintindihan

isang pangarap ang mangitian pabalik
kahit ang simple niyang paglapit 
ay iba nag aking pagkasabik
ito ba ang tinutukoy nilang pag ibig?
ngunit sa huli ako lamang ay aasa
na sana minsan mag biro ang tadhana
na ang bituin na aking nais kamtin
ay minsang ngumiti pabalik sakin 

Tuesday, June 26, 2018

Day 177: Stripes

The girl in stripes was amazing
she was nothing short of perfection
the way she moves is really dazzling
as if God made something great of fruition

no person is perfect
but in she is the nearest in that context
Thought God made everything crooked
but she was something that is perfectly brewed

Those lines of her is what I adore
as if every curve is unlike I've seen before
her smile is true genuine and like sunshine
you could see it even from a mile

She is the definition of perfection
but her personality does not fall short
she is a perfect peanut butter jelly combination
and I think I already fell

Whatever she wears just in awe
It may be a dress or a tshirt plain or drawn
but never I thought in my life
someone could look good in stripes




Monday, June 25, 2018

Day 176: Over

Then again I saw her smile
waving at me, 
at the church balcony
I could feel my heart fly
as if I never lost feelings for her

Plain shirt and faded jeans
defined perfection for me
messy hair and shivering ears
I still love her truly

her smile with pearl white teeth
and how her eyes agreed
made me realize over and over
that after all this time
I am not over her


Sunday, June 24, 2018

Day 175: Kaibigan

Sasamahan kita sa panahon ng pag luha
pati sa mga panahon ng pagtawa
isang bagay ang may kalinawan
hinding hindi kita iiwanan

Sige, umiyak ka hanggang umaga
hanggang magsintaba na ang iyong pisngi at mata
isigaw mo lahat ng iyong sakit sa langit
kahit sakin mo ilabas ang iyong galit

ganito kasi yan
ikaw ay masasaktan
ngunit hindi ito nangangahulugan
na ito na ang katapusan

wag mo pasanin ang bigat ng mundo
nang mag isa sa mga balikat mo
dahil sa isang tawag mo
agad ako tatakbo

hindi ko kailangan harapin ang mundo
ang nag iisa ka lamang
marami kaming andito 
ang di ka pababayaan

kaya wag ka mahihiya
na sabihin na nasasaktan ka
lahat tayo ay mag pinagdadaanan
lahat naman ng tao ay lumalaban

libre kang umiyak o manapak
o kaya isigaw mo na ang lahat
ngunit sa oras na saktan mo sarili mo
ako na makakalaban mo

wag mong saktan ang sarili mo
para sa mga bagay na ginawa ng iba
bagkus, alagaan mo ang sarili mo
ipakita mong higit ka sa kanila

alam kong sumusgat ang salita
ngunit wag mo na sabayan ng kutsilyo
wag mong iwanan ng marka
ang bawat sakit na ibibigay nila sayo

wag na wag mo isipin na ito ang katapusan
dahil lagi kang may matatakbuhan na kaibigan
wala naman karapat dapat masaktan
kaya hayaan mo silang ika'y pagsalitaan

Saturday, June 23, 2018

Day 174: Definition

How can she stand there
barely twitching and noticing
barely doing anything
and still stay so beautiful

Beautiful?
I apologize but beautiful
is an understatement 
of who you are
But for this moment
I guess it is the closest word
which encapsulates of how
amazing you are as a human being

I could have infinite words 
for these abrupt and finite feelings
forever is not be in the love vocabulary
and a lifetime, with you
is too short and never enough

maybe time is never calculable
when you are in love
as time dilation occurs
as looking to someone
\who is a beautiful as you
feels like time is irrelevant

Amazing, wonderful,or beautiful
even pretty and nice
are words that only sound great
but is never enough for you

maybe a million of words are those you speak
or close to those you write
but no word existing in any language
can truly define of who and what you are

Friday, June 22, 2018

Day 173: Whole hearted

In the new life. let us be free
and please tale a chance with me
smile and for a moment, forget the pain
take your shoes off, dance with me in the rain

I have no clue
of the life you have been through
but a glance, made me fall in love
and I could not get out

ever since, you are all I see
and it will be the end of me
but truth be told
That's how I wanna go

take a leap to a wonder life
where I will help you put up a fight
take my hand the moment I reach out
and you will see wonders you know nothing about

let the night meet the day
as we meet in the blinding haze
everything that is blindingly grey
become a sunlight in a rising day

so take my hand and take a leap
to a world we won't know how deep
give me a chance to be the first to
be the one with your heart whole

Thursday, June 21, 2018

Day 172: Time

Time is a faithful slave
but a cruel master
for it cannot be saved
and cannot be mustered

it will never be on your side
even if you make up your mind
it will run fast when you need it slow
and slow when you need it fast
it never had a steady flow
and always goes in a blast

the problem with it
is you think you have it
but when reality rattles
you learn that it is never kept in a bottle

it will betray you in times
and will agree at times
but whatever it decides
keep in mind
that it was never on your side

so chase what is
your heart desires
for the perfect time is
an illusion in mirage

Wednesday, June 20, 2018

Day 171: Don't leave her

She's too wonderful to be passed on
heck, she's too good to be an option
she does not deserve such treatment
she does not deserve such harassment

look, if you choose something
or someone over this being
then you are only proving 
that for her, you're not deserving

consider her as a cake
that is the most wonderful you've tasted
this cake gave you genuine happiness
so why would other people's opinion
would matter regardless?

she is a keeper
a strong fighter and a lover
who smiles in times of war
someone who never hides her scar

she maybe a building in process
a complete and utter mess
but when the process is over
you may not recognize her

love her still, when she is fragile
and never let her go even a while
cause once her strength is felt
even in the right hands, she won't melt

so in the right time she will rise
and she will never be this nice
savor the moment that she is weak
or she will rise and you'll face your defeat

and time will come when you will regret
leaving such lovely dame
or leave her be in a secret
and she will never feel the same

Tuesday, June 19, 2018

Day 170: Isip

Sa di malamang dahilan
bigla akong nakaramdam 
nang masidhing kalungkutan 
sa gitna ng kawalan
ang pagiisa ay muli kong naramdaman

wala ng mas lalala pa
na maramdaman mong mag isa ka
lalo na kapag sa paligid mo
ay napapalibutan ka ng maraming tao

wala naman kayong ginagawa
sadyang ganto lang ako talaga
wag niyo na lang ako pansinin
teka wag pala, pakiusap, ako ay kausapin

gusto ko mapagisa pero samahan niyo
nais ko na kausap lamang ang sarili ko
pero palimos na ng atensyon niyo
kasi di ko alam bakit pag mag isa ako
nalulungkot lang ako

lagi sinasabi sa akin na
ito ay nasa isip ko lamang
sana nga nasa isip ko lang
kasi iba ang idinidikta ng aking pulso
at iba ang tibok ng aking puso

sinasabi niyo na malungkot lang ako
kaya ako nagkakaganito
iniisip ko na di niyo ko nauunawaan
pero wala rin naman ako natatakbuhan

ang hirap pag kalaban mo 
ay ang sarili mo mismo
o siya hayaan niyo ko,
lunurin ng sariling isip ko 

Monday, June 18, 2018

Day 169: Unang araw

Sa unang araw ko sa kolehiyo
umaga pa lang nanibago na ko
sa paggising ko ng alaskwatro
kahit ala siyete pa ang klase ko

lunes ng umaga agad bumangon
dahil malayo na ang paaralan ko ngayon
Buong buhay ko ako'y nag aral sa Calamba
biglag talon sa Batangas kaya mistulang iba

pupungas pungas pa ang aking mga mata
habang ako ay naglalakad sa kalsada
ang hirap ng biyahe ay nasimulan
mula jeep crossing hanggang tanauan

nahirapan pa ko sumakay
sa jeep g tanauan, pagka't maraming kasabay
sa oras ng aking pagkaupo
ay pagdadasal na wag sana madukutan ako

lumipas ang tatalumpung minuto
at hindi ko natatanaw ang paaralan ko
hindi ako sanay sa ganito
kaya ngalay na nag pwet ko

habang nasa mahabang byahe
napansin ko ang mga tao, bata, lalaki at babae
hindi pa nagsisimula ang araw nila
ngunit bakas na ang pagod sa mga mata

magsisimula pa lang ang araw
ngunit mayroon ng mga bumibitaw
lumalaban na sa antok kahit maaga pa
kitang may pinagdaanan bago tumayo sa kama

iba ibang kwento ang nakakubli
sa mga pagod at pilit na ngiti
mga taong may kaniya kaniyang istorya
mga taong may haharapin na araw pa mamaya

pagbaba ko ng jeep, nanlambot ang aking tuhod
di sanay sa matagal nakaupo, mistula pang nakaluhod
mabilis akong tumatakbo sa aking bagong paaralan
at agad tumakbo sa aking silid aralan

mga bagong mukha sa bagong taon
buhay sa bago para sa bagong pagkakataon
mga makakasalamuha ko
sa darating pa na apat na taon

sabay bati sa mga dating kabigan
at ngayon lamang nagkakilanlan
mahabang araw sa kani kanilang mundo
sa lugar na ituturing ko na tahanan ko

Sunday, June 17, 2018

Day 168: Wag.

Pare wag na wag mo siyang lolokohin
dahil di mo alam ang sakit na kanyang iindahin
kung hindi mo na siya mahal talaga
makipag hiwalay ka, bago humanap ng iba

dahil kapag niloko mo siya 
hindi siya basta basta luluha
luluha ka siya at masasaktan
na kahit maubos ang luha
 ay patuloy siyang masasaktan

hindi siya basta basta ilalabas lahat
sa pag iyak niya magdamag
gugulo ang kaniyang isipan
at iisipin niya ano ang kaniyang kakulangan

iisipin niya ba kung siya ay pangit
o mang mang para ipagpalit
ma kukwestiyon ang kaniyang halaga
at lalabas ang mga problema na wala naman nung simula

iisipin niya  na hindi siya sapat
sa pagmamahal ng iba
kaya hindi na siya magiging lapat
sa susunod na magmamahal sa kaniya

mawawala ang konsepto niya ng pag ibig
dahil iisipin niya na siya ay kapalit palit
at ang pinakamasakit dito
ay hindi na siya makapagmamahal ng buo ang puso

kaya kung hindi mo na siya mahal
wag mo na basta papalitan
wag mo siya basta iiwanan
bigyan mo siya ng kaliwanagan
bigyan mo siya ng kapayaaan

kapag siya ay iyong pinalitan
wala na siyang papaniwalaan
iisipin niya san siya nagkulang 
kahit ikaw pa ang may kasalanan

Saturday, June 16, 2018

Day 167: Pabayaan mo ko.

Pabayaan mo kong kumausap ng iba
at hayaan mo kong magwala
pabayaan mo naman akong lumuha
ngayong wala ka na

wala na ko sa iyong mga bisig
sa araw na sinabi mong ayaw mo saking pag ibig
wag mo na akong sakalin
at ikaw din naman ang nangiwan sa akin

bakit bawal ako makipag usap sa iba
nang hindi mo binibigyan ng malisya
ayaw mo ko kumausap ng iyong tropa
at baka taluhin ka nila

ang hirap na wala na nga tayo
pero nananatiling konokontrol mo ako
tatawagin mo kong malandi
para bumaba ang tingin sa aking sarili

minsan ako ay nagdududa
kung ako ay minahal mo talaga
kasi kung oo, di ko alam kung bakit
nananatili na ako sayo ay papet

ginawa mo kong bilanggo
na gamit ang rehas ng damdamin
di na nakawala sayo
kahit matagal ng wala ang atin

hindi mo ko hinahayaan
na umibig at umusad ng tuluyan
sana kumuha ka ng asong ulol
kung gusto mo ng buhay na kinokontrol

pabayaan mo ako na umusad sayo
pabayaan mo ako na umibig ng iba
hayaan mo ako na maging malaya 
at utang na loob lumisan ka na

dinurog mo ang puso ko
sa milyon milyong piraso
pero ipinapangako ko
hahanapin mo
ang bawat piraso ko
sa bawat taong makikilala ko

pero ngayon hayaan mo ko
na mag isa maghilom
wag mo na guluhin ang buhay ko
nais kong lumaya sa iyo

pabayaan mo ko sumaya
kahit wala ka na
hindi yung pag alam mong ayos ako
biglang babalikan mo ko

Friday, June 15, 2018

Day 166: Dagat ng Aplaya

Sa dagat ng aplaya masarap ang hangin
Malinis ang dagat, kahit San ka tumingin
Lilipas ang oras nang di mo namamalayan
Habang sinisilayan ang dagat na walang hanggan

Maraming bangka ang malapit
At mga batang namimingwit
Mga batang sa buhay ay salat
Kaya sila naglilibang sa dagat

Kasabay ng mahinahon na alon
Ang malamig na hanging umaayos
Matamis ba hangin sa maalat na dagat
Kawili wili pa ang water lily na nagkalat

Kasabay sa hanging nalalanghap
Ay ang iniinom kong 7up
Na tumapon at nagkalat
Ang lagkit tuloy ng aking balat

Naramdaman ko aking pagkaliit
Sa lawak ng dagat at ilalim ng langit
Sa malinaw na dagat at makulimlim na langit
Ay mag isa na may kinikimkim na sakit

Sa sarap ng hangin na to
Ay binigkas mo na "ayoko na sayo"
Lumipas ang taon nang di ko namalayan
Ng sa tabing dagat mo ko iniwanan

Sa bangka ng mga alala
Kita na lamang mahahawakan
Tulad ng nga batang tatanda
Kailangan na kitang kalimutan

Mahinahon ang alon
Ngunit Hindi ang isip ko
Matamis ang hangin sa mapait na pagkakataon
Mas lumamig ang hangin sa paligid ko

Ang 7up ay naging serbesa
Gamit ko panglunod nang nararamdaman
Wala akong itinapon ni isang patak
Hanggang sa umabot na sila saking utak

Habang buhay akong nakatingin
Sa dagat habang niyayakap ng hangin
Mananatili rito ang aking damdamin
Para sa dagat at sa atin

Thursday, June 14, 2018

Day 165: Tamad na Pilipino (magsasaka)

Gigising sa umaga ng ala singko
sabay maghapon nang mag aararo
maghapon akong nakayuko
bago pa sumapit ang gabi ng alas otso

dugo at pawis ang aking inaalay
kahit putik at laman ko naging magkakulay
iniaalay ang buong buhay namin
may maihain lang na kanin

kaming maghapon magdamag magtrabaho
ay hindi napapansin ninyo
pare parehas lang tayong pilipino 
pero bakit parang ambaba ng ranggo ko

kaming nagaayos ng palay para sa kanin
ang hirap humanap nang makakain
ang hindi ko pa matanggap
ay tatawagin ang mga magsasaka na tamad

madalang sa buong buhay ninyo
na kailanganin niyo ang isang inhinyero at abogado
ngunit mas malaki ang kanilang sinusweldo
ako kaya ang tumigil sa trabaho

pag dumating ang araw na wala ng kanin
sa inyong mga hapag kainan 
wag kayo lalapit sakin
at nalaman niyo bigla ang aking kahalagahan

kaya wag niyo sasabihin tamad ako
sadyang hindi lang pantay ang trato
subukan niyo ang aking trabaho
baka bumagsak kayo ng ilang minuto

sa pantay na pagtingin
alam kong may halaga kami
sa mundong walang salapi
malamang kami ang bayani

Wednesday, June 13, 2018

Day 164: Gem

If you can't give her
the life and love she deserve
the better to stay lone
and leave her alone

don't disturb a sleeping fighter
for she is a silent warrior
by herself she suffer
and does not need additional bother

she was complete at first
until someone broke her heart
with broken pieces on her hand
she will offer it to anyone

so if you only wish to cause chaos
and deepen her burden
then just form a hiatus
and leave her then

she is a precious gem
with a spirit within
if you cannot love her fully
don't lover her at all

Tuesday, June 12, 2018

Day 163: Luha sa telepono

Sabay lunok ng aking laway
nang lumabas ang pangalan mo
ng madaling araw, sa aking telepono
sabay ang kabog ng aking puso

makalipas ang ilang buwan
bigla kang nangamusta
kahit nagaalangan
kinamusta na rin kita

humaba ang usapan
nang di ko namamalayan
na lumipas na ang magdamagan
kausap ka habang nakayakap sa unan

nalaman ko na may bago ka na
at seryosong masaya na
kahit hindi ko alam kung bakit
biglang bumalik lahat ng sakit

kanina ko pa sinasabing
okay lang at okay na ako
ngunit sa bawat letrang akong pipindtuin
ay sabay ng pagtulo ng luha ko

habang alam ko na masaya ka na
sa piling ng iba
pilit kong sasabihin sa iyo
na masaya ko para sa iyo

at dumating na ang araw
at kinailangan mo na nga magpaalam
pinilit ko ikubli at wag pumalahaw
habang sinabi mong "muli, Paalam"

Kaya ngayon eto ako
ninakaw mo ang isang gabing tulog ko
inihanda ang kama, buti ay sabado
at tutulog ako, pagpunas ng luha sa telepono

Monday, June 11, 2018

Day 162: Writing.

Give me inspiration
for I am far from concentration
and i have felt rejection
even though it was never said in person

my mind is boggled with thoughts
despite knowing all faults
maybe I could not write this time
because I am contented with my life

I may have lost another prospect
but never begging earns me self respect
I learned that life will never be perfect
and I learned to be content

Life gave me ups and downs
and it also gave some smiles and frowns
life is never a competition
so walk on your own pace and position

I guess it's difficult to write
when you are happy in your life
maybe that's why the world need some sadness
otherwise, writing would be useless

Sunday, June 10, 2018

Day 161: Sakit

Mahirap umibig mag isa
lalo na kung kaibigan ka lang
mag isa kang umaasa
habang nasa bisig siya ng iba

palihim kang titingin sa kaniya
at ang nararamdaman ay idadaan sa tawa
madalas kapag nasasaktan na siya
ay wala ka pa ring magagawa

maraming ang nagsasabi na
kalimutan na raw kita
pero ano ang aking magagawa
kung gusto talaga kita

pero lagi kong tinatandaan
na ang magselos sa nobyo mo ay bawal
ngunit hindi naman dahil wala akong karapatan
ay wala na akong naramdaman

Saturday, June 9, 2018

Day 160: She's not the one

If looking at her does not make you smile
and realize that your are the luckiest guy
the she's not the one for you

if loving her is too difficult
and ever time you curse at her
does not feel like a bottle of beer
and vodka slamming at your throat
you're not in love with her

if you can sleep knowing that
she has been crying her eyes out
especially if you are the reason
you are committing love treason
then she's not the one for you

there will be fights along the way
but if after the fight you did not stay
with her and act like every thing is okay
then don't fool yourself -
you are not in love with her

Don't go running around
an making a sweet sound
claiming that you love her true
despite showing no proof

don't say you love her when
even by your side she doesn't feel safe
and if your heart is not hers for the taking
if you use breaking up as a threat
and you have the guts to hurt this girl
don't say that you love her

if loving her is not easy
then just leave in a jiffy
stop wasting her time
and let her be fine
in the right man's arm

if you see that you don't love her really
just leave her immediately
because what you are not seeing
is that he is another man's blessing

Friday, June 8, 2018

Day 159: Masarap Umibig

hindi masakit mag mahal
sa totoo lang, ito ang pinakamasarap
na pakikiramdam 
na pwede mong maramdaman
maraming bagay na kaakibat ito
na hindi naman tumutukoy dito
sa kung sa totoo lamang
walang hihigit sa pakiramdam
ng pagmamahal 
kahit hindi ka na mahalin pabalik

pag nagmahal ka, 
pakiramdam mo hawak mo ang mundo
nasa mga palad mo
ang bituin sa langit
kahit
nakatingin ka lamang
sa kaniyang mga mata

ramdam mo ang mga ulap
na para bang sila sayo ay nakayakap
bawat tag ulan ay malamig na pakiramdam
habang ang tag init ay sandali ng kaliwanagan

bawat tao sa harap mo ay nakangiti
kahit na ang sitwasyon ay matindi
ang mundo na minsan magulo
ay biglang mabubuo

masakit lokohin at iwanan
tapakan at kalimutan 
ipagpalit at iparamdam
na parang wala kang pakinabang
mga bagay na hindi naman pag ibig
bagkus nagagawa lamang
ng mga taong walang tunay na pagmamahal
hindi sila ang depinisyon ng pagmamahal
sila ay mga bagay na wala nang pagmamahal

ang pagibig na totoo ay masarap sa pakiramdam
lalo na at alam mong totoo at wala kang agam agam
kaya di ko lubos maunawaan
ang mga taong takot na magmahal
ngayon pinakamasarap na pakiramdam
ay umibig ng may katapatan

kaya wala yan sa intay na matagal
basta wag ka matatakot magmahal
dahil hindi naman masakit umibig eh
masakit lang ang maiwanan

Thursday, June 7, 2018

Day 158: Pag umulan sa Calamba

Pag luha ng langit sa calamba
ay kasabay ng pagtraffic ng kalsada
kasabay sa pagtambak ng basura
kasabay sa pag iintay ng suspension ng mga bata

lumilinis ang mga bubong
pati ang letseng trapik ay usad pagong
kasabay ng pagluha ng mga ulap
pag itim na ng alapaap

tumatahimik ang mga asong kumakahol
at marami ang na tatrap sa mall
peor pag commute ay hindi ka maiinip
dahil lagi namang siksikan na ang jeep

mga taong pupunta lang sa kanto
ay mag jijeep pa kuno
kaya ang mga nagmamadali para sa trabaho
ay umiinit na ang ulo

dapat malamig ngunit hindi
dahil sabay singaw naman ng lupa
at eto pa ang matindi
amoy na amoy pa ang ihi ng daga

umaagos ang mga basura sa estero
habang ang mga ginagawang bahay ay humihinto
ang mga nasa may ibaba na lugar sa amin
"wag bumaha sana" ang panalangin

pag umulan sa calamba ay labasan ang mga payong
na may bulaklak, libre sa kotse o galing ng Avon
sabay sa galak ng mga batang kalye
na pagkatapos maglaro sa ulan eh, sisipunin sa gabi

may mga panahon na mas malakas ang ulan
tipong akala mo na wala na itong hangganan
may panahon pa na sasabayan ng kulog
kaya gising ang iba at ang iba ay hindi makatulog

sabay sa pagulan sa calamba ang pangamba
na maputol ang mga cable at linya
ng kuryente na magsasanhi
ng brownout na sumasakto sa gabi

isa pang nakakatawa pag umulan sa calamba
ay pagkakataon na mawawala ang tubig ng NAWASA
tipong wala kang pampaligo
kahit langit na nagbibigay ng tubig para sayo

noong ako ay bata
akala ko ang langit ay lumuluha
kapag nasaktan na ng masyadong liwanag
hanggang binigyan ako ng agham na paliwanag

hindi ko mabilang ilang beses
sa ulan ako ay nagdiwang at nainis
oo minsan nasususpend ang klase
minsan ang tingin ay mga isda na kami

pag umulan sa calamba ay nagaabangan
na ang aking pamilya sa balita
kung may paparating na bagyo ba
ngunit laman ng balita ay puro pulitika

ngunit kapag tumagal na ang pag ulan
ay lumalamig na sa calamba
nakahanda na ang mainit nasa tasa
ng kape o tsokolate kahit tanghali na

hindi ko naranasan maligo sa ulan
sapagkat ako ay papagalitan
baka raw ako magkasakit
sa pag bagsak ng luha ng langit

kasabay sa pagbagsak ng ulan
ay mga ala alang nakalimutan
sa loob ng mga kabahayan
ay mga taong iba iba ang talakayan

minsan sumabay ang ulan ng calamba
sa oras na ako ay nagdurugo pa
sinabayan ako lumuha ng langit
habang sinasapawan nito ang ingay ng sakit

pag luha ng langit ay hindi humupa
ang mga luha na nagingilid saking mga mata
akala ko na ang ulan na ako ay dinamayan
iniwan din ako ng siya ay nakatahan

sa pag tila ng ulan ay luminis ang daan
habang ang mga tao ay nagsisigalakan
natapos na ang pag ulan ng calamba
habang ang aking mga luha ay hindi pa humuhupa


Wednesday, June 6, 2018

Day 157: Talo talo

Pinanood mo paano kami nagmahalan
at saksi ka sa bawat bagay na pinagawayan
pero sayo ko rin napatunayan
na sadyang magkaiba ang tropa sa kaibigan

maayos naman ang aming nasimulan
maayos na relasyon, kasama pa sa lakad ng tropahan
hindi niya ko pinagbabawalan
basta kasama ko siya sa inuman

maayos ang aming relasyon
ngunit sadyang darating ang pagkakataon
na ang apat na taon naming pinagsamahan
ay nauwi na nga lamang sa hiwalayan

bilang tropa ay nandyan kayo
sa bawat drama at luha ay kasama ko kayo
Malaki ang aking papasalamat sa inyo talaga
Lalo na sa iyo, ang pinakamalapit kong tropa

sinamahan mo ko lumuha at uminom
naunawaan ako, kahit ang bibig ay nakatikom
tinulungan mo kong makalimot
ng isang karanasan na napaka masalimuot

dumating nga ang araw na siya ay aking nalimutan
at itinuon ko na lang ang pansin sa ating tropahan
ngunit buong katawan ko ay nanginig
nang Makita ko siya na nasa iyong bisig

masyado mong niliteral
na parehas tayo ng kaligayahan
ngayon di ko alam ang dapat maramdaman
dahil wala ka naming kasalanan

respeto na lang sa nagmamahalan
kahit palihim akong nasasaktan
ilang beses kong sasabihin na masaya ko para sayo
pero pinapatay na kita sa isip ko

Lalo na ng malaman ko
na sinusuyo mo siya
habang ako ay nagdurugo
oportunista ka talaga

nilabuan mo ang linya
sa pagitan ng kaibigan at tropa
pero kapag ikaw naman ang iniwanan
wag na wag mo kong lalapitan

Tuesday, June 5, 2018

Day 156: LDR

I love even if we're miles apart
even though I regret doing so from the start
the distance is just too high and wide
but what is not is my pride

I long to hear you whisper -
my name then follow a kiss
things I could only remember
in times that you I miss

I had never mind the distance
as I had your loyalty as assurance
though I crave your presence
and still terrified of evanescence

despite giving you my trust
one thought haunts my mind
if you can still wait
or am I already replaced

but please never doubt my loyalty
for I know you will be in my arms someday
for physicality may be an indication of intimacy
but it is not the indication of it

whether you are in my arms
or in a distance place
who cares about things or rhyme
your still in my heart

Monday, June 4, 2018

Day 155: Hanggang...

Mamahalin kita sa punto na kaya ko
tipong alam ko na hindi mo natatapakan
ang binuo kong pagkatao ko
na hindi ko kailangan magsakripisyo
maibigay lang ang mga nais mo

mamahalin kita ng walang hangganan
habang malinaw ang ating hangganan
maaring puso mo ang aking tahanan
pero sa oras na ako'y masasaktan
hindi ako magdadalawang isip na ika'y iwanan

dahil ang pagmamahal ko sa iyo
at hindi testamento ng pagsuko
bagamat espesyal ka na sa buhay ko
at may lugar ka na sa puso ko
hinding hindi ako pag aari mo

kaya oo nga at mundo kita
at iaalay sayo kahit buhay ko pa
pero isang bagay ang iyong tatandaan
ibibigay ko sa iyo ang iyong mga kahilingan
ngunit hindi habang ako ay naka kadena


Sunday, June 3, 2018

Day 154: Clues

I saw a man laugh
and the next day he jumped off a cliff

the girl with highest mark
had her pulses cut

the famous teen idol
had herself poisoned

a girl who laughed with her peers
drowns every night in tears

the boy who always smiles
is barely passing by

the guy who loves too deep?
he always cry himself to sleep

even the girl who is so smart
suffers from a broken heart

they may be fine in you point if view
but the saddest leaves the least of clues

Saturday, June 2, 2018

Day 153: Paano ka nakakatulog?

Paano ka nakakatulog
nang alam mo na nasaktan mo
ang taong minsang kang nahulog
at minsan mong itinuring na mundo?

paano ka nakakatulog na batid
na ang taong mahal ka ay namimilipit 
sa sakit na iyong iniwanan
at bumubulong ng sakit sa mga basang unan

paano ka nakakatulog ng mahimbing 
na binalewala mo ang taong naghahanap ng lambing
na habang ikaw ay matamis na nananaginip
siya ay mamatay na sa kakaisip

paano ka nakakatulog gago ka
habang alam mo na hindi na siya makahinga
sa pag iyak magdamagan
dahil sa iyong mga kagagawan

paano ka nakakatulog na alam mo
na kahit ikaw may kasalanan, ikaw ang sinusuyo
na ikaw ay iniintay pa rin nya
habang ikaw ay nasa bisig na ng iba

habang ikaw ay mahimbing na nakapikit
siya at naubusan na ng luha sa sakit
sumisikip na nag kaniyang dibdib
habang ika'y nag hihilik

pero ito ang nakakatawa
pagtahan niya
at sa pagmulat mo ng mata
mahal ka pa rin niya

Friday, June 1, 2018

Day 152: Biglaan

sa madaling araw, binuo mo araw ko
ipinaramdam mo na sobrang halaga ko
ipinaramdam mo na katangi tangi ako
at ipinadama mo na mahal mo ako

ganap na alas dos ng umaga
sa telepono kausap pa kita
nakapikit na nga ang isa kong mata
kinakalaban ang antok, makausap lang kita

kinikilig pa sa mga konting bola mo
kahit na itinatanggi ko
pumatak ang mga oras at naging minute
hanggang sa nakatulog na nga ako

paggising sa umaga ay isang matamis na mensahe
"paalam na muna, at mag iingat ka palagi"
sabay nagkaron ng ngiti saking mga labi
di alintana ang mga sunod na pangyayari

hindi ako sanay na hindi ka kausap
kaya noong di ka nagparamdam ay mahirap
sampung buwan na usapan
natapos ng hindi ko nalalaman

sinikap kitang kausapin
at ang galak ko ng ako ay sagutin
ngunit na nawala ang saya ko
nang sinabi mong "mamaya na, busy pa ko"

nagpatuloy ang mga araw iniiwasan mo ko
at idinadahilan mo lagi ang pagaaral mo
ansakit lang na sa sobrang busy mo
nakalimutan mo na atang mahalin ako

dumating ang araw na napagod ako sa kakaintay
kaya pinuntahan na kita sa inyong bahay
ngunit Lalo lang ako tumamlay
nang ipinagtabuyan pa ko ng iyong nanay

lumipas ang mga buwan na naghihintay ako
at ipinagdiwang ko magisa ang ating anibersaryo
hinihintay ang pagbabalik mo
ngunit hanggang huli ay bigo ako

matatanggap ko pa kung meron kang iba
kaysa bigla kang nawawala na parang bula
kahit matagal na, andun pa rin ang sakit
habang itinatanong ang tanong na bakit

habang buhay kong pagninilayan
kung bakit mo ko biglang iniwanan
sana isang araw magbigay ka ng kapaliwanagan
upang ang puso ko ay maghilom ng tuluyan