Kaya kahit nakatali sa kadena na tayo mismo ang nagbuo, pilit natin iginagapang ang mga bagay na tingin natin ay tama para sa atin at pinagsisilbihan ang mga taong naglagay ng posas ating mga kamay. Ang hirap maging alipin ng sariling isipan at maging bilanggo ng nakaraan. Pero mas mahirap kapag ipinaramdam pa ng ibang tao.
Siguro ito ang dahilan kung bakit may mga taong nananatili sa mga relasyon na mapang abuso. Hindi natin makita ang halaga natin bilang isang tao dahil masyado na tayong pamilyar sa ganoong ganap kahit gaano na itong nakasasama sa atin.
Pag pumasok sa isang relasyon madalas mangyari ito kung saan ang taong may kulang sa sarili ay inaakala na kaya itong mapunan ng iba. Kaya kahit anong pang aabuso sa kanila ay sinasalo dahil pakiramdam nila hindi sila mabubuo nang wala ang isa.
Sikapin natin alisin ang pagiisip na ito. Hindi ka kailanman isang piraso ng bubog na kailangan ng iba upang makabuo ng maganda piguro sapagkat ikaw na mismo iyon. Wag kang magpabilanggo sa isipan na wala kang halaga at wala ka nang ihihigit pa.
Matuto kang huminga ng malalim at sabihin na: "Mahal kita, pero hindi ko maibibigay ang puso ko sayo nang nakaposas ang mga kamay ko." Hindi naman mali ang magmahal, mali lang gawing bilanggo ang sarili dahil sa pagnanais na makamit ito. Matutong mahalin ang sarili
No comments:
Post a Comment