Ang tamang time management ay isang suliranin ngayon sa kabataan at kahit sa mga nagtatrabaho na. Hindi nila alam ang uunahin dahil nga tumatambak na ang gawain sa isang bagsakan. Minsan kasalanan ng isang tao dahil ipinagsasawalang bahala niya ito hanggang sa huli, minsan nasa paaralan at trabaho na rin dahil sa di maipaliwanag na dahilan nagkakasundo sila na ipagawa lahat ng bagay nang walang oras na namamagitan. Yung tipong isang malaing proyekto tapos ipapasa sa loob ng tatlong araw. Pero kadalasan kasalanan na rin naman ng kumikilos.
Sino man ang may kasalanan nito, hindi maitatanggi na ang karamihan ay hirap dito. Hindi ako makakapag bigay ng suhestiyon sapagkat isa ako sa mga taong may sakit na rito. Pero kung iisipin, hindi lamang tayo sa paaralan o trabaho mayroong problema sa 'time management'
Minsan sa larangan ng pag ibig ay hindi tama ang pag aayos natin ng oras. Minsan nasasakripisyo ang relasyon para sa propesyon at minsan baliktad naman ito. Sadyang may kailangan kang isakripisyo para umusad ang buhay mo.
Pero kapag humantong na sa malala at hindi na kayang ayusin ang relasyon. Yung tipo bang nagkakamalabuan na ba. Doon papasok ang 'proper time management' yung panahon na pilit ka pang lumalaban gamitin mo na para mag move on. Sa mga panahon na pilit mo pang tinatapalan ang matagal ng may lamat, ay gamitin mo na yung panahon na yun para buuin mo na ang sarili mo uli. Sana sa panahon pilit mong tinitibag ang mga pader na nag hihiwalay sa inyong dalawa ay bumubuo ka na ng pundasyon para sa sarili mo. Minsan hindi naman masamang sumuko at mahalin muna ang sarili.
Ayusin ang 'time management' sikapin unahin ang sarili
No comments:
Post a Comment