Magmahal ka nang buo
o wag ka na lang magmahal ng ibang tao
wag mong pangakuan ng buong puso
kung balak mo ibigay ay kalahati lamang nito
kaawa awang isipin
ang taong buo kang mamahalin
ay bahagya mo lang iintindihin
bahagya mo lang papansinin
mahirap magbayad ng buong halaga
lalo na kung di kayang suklian ng iba
pero kahit naman masuklian mo siya
malayong malayo ang isang libo sa barya
kaya payo kaibigan umiwas na lang
kung di buo ang damdamin sa napupusuan
nanahimik yung tao sa sarili niyang mundo
bigla namang guguluhin mo
No comments:
Post a Comment