ang maaaring dumanak sayo
sasabay ang luha ay bubugso
kasabay ng pagkadurog ng puso
Lalamunin ka ng iyong takot
at duda sayo ay babalot
sa mga bagay na di ka sigurado
kahit ilang beses ka niyang ginarantisado
Masaya siya, dahil lahat naman ganun sa simula
makakaramdam ka ng kilig sa tuwina
ngunit sa pagharap na sa mga problema
iisipin mo, kung pinili mo ba ang tama
dahil ang pagibig ay di lang saya
mayroon diyan na dadaan ka sa dusa
kahit sa iyo na nga siya
iisipin mo kung karapat dapat ka ba
Kaya walang kang karapatan
umibig nang di buo ang kalooban
dapat hindi ka pang hinaan
dahil ang pag ibig ay para sa matapang
No comments:
Post a Comment