"Ako nga eh"
Kelan pa ba naging kumpetisyon ang nararamdaman ng bawat isa sa atin? Ang hirap kasi sa ibang tao na kailangan may masasabi sila o kailangan nilang maramdaman na nakahihigit sila. Minsan kapag ganito ang nakakausap mo, nakakapang sisi na nagtiwala ka pa.
Ang hirap ipaunawa sa ibang tao na hindi pare parehas ang lakas ng bawat isa at hindi dahil mas malakas silang tingnan ay mas matatag na sila. Lahat ng tao ay may kahinaan at may pagkakataon na tutumba sila. Isa pa yun sa mahirap eh, kapag matagal kang matatag tapos tumaob ka biglang baba ang tingin sayo. Hindi mo alam kung may pake pa sila sayo o gusto lang nila maramdaman na mas mataas sila eh.
Mabuti sana kung manggaling ito sa ibang tao, eh minsan nagmumula pa to sa mga tao na mahalaga sayo marahil pamilya o malapit na kaibigan. Hindi ba nila alam ang pakiramdam ng umasa ka na may makakasama kang magbuhat ng bigat ng mundo para lang malaman mo na dagdag pa sila rito.
Kelan ba naging kumpetisyon ang damdamin? Sa mga ganitong pag iisip kaya mas pinipili ng iba mapag isa. Ayusin naman sana natin. Matutong makinig, hindi yung lugmok na nga yung tao tapos kukumpitensyahin niyo pa nararamdaman nya at ipaparamdam mo pang mahina siya dahil nalampasan mo ang maaring pumatay sa kaniya. Hindi ko mahihingi na maging sensitibo kayo pero sana matutong manahimik na lang. Dalawa ang tenga ng tao at iisa ang bibig, ikaw na umunawa nan,
No comments:
Post a Comment