Monday, December 14, 2015

Presidential Speech

Magandang araw sa inyong lahat, narito ako upang ilatag ang aking plataporma kung ako ay inyong bibigyan ng pagkakataon maging pangulo ng republika ng pilipinas. Edukasyon ang unang bagay na aking nais bigyan pansin sa kadahilanang ito ang humuhubog sa atin, sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon tayo ay humuhubog ng mga pinuno para sa kinabukasan, ang edukasyon ay ang ilaw na maggagabay sa mga susunod sa henerasyon. Bibigyan ng pamahalaan ng karagdagang pondo ang bawat unibersidad at pampublikong paaralan upang magkaroon sila ng kagamitan na mas mapapadali ang kanilang pagkatuto. Habang ang mga guro naman, kasama ng iba pang naglilingkod sa pamahalaan ay bibigyan ng sapat na sahod sa bawat buwan at benepisyo upang sila ay malayo sa tukso na manloko o magnakaw. Sa usaping kalusugan naman ay pagtutuunan ko ng pansin ang mga lugar na malayo sa siyudad at malayo sa kamalayan. Sila ay padadalhan ng mga doctor at papatayuan ng mga klinika na may sapat na kagamitan. Sa mga pampublikong ospital naman bibigyan ko ng kagamitan na nakasabay sa kagamitan ng amerika upang hindi sila napagiiwanan at mas nakakagamot ng mas malulubhang sakit. Ipapatupad ko rin ang isang batas na kung mamamatay ang pasyente sa ospital ay walang kabayaran ang dapat ibigay ng pamilyang nawalan. Sapat na ang sakit ng mawalan wag na natin ito gatungan pa.
Palalakasin ng pamahalaan ang freedom of information bill upang magkakaroon ng kaaalman sa paglustay ng pondo mula sa barangay hanggang sa pinakamataas na pinuno ng bayan. Sa usapin naman ng kalakalan ay ibabalik natin ang patakarang Pilipino muna kung saan ipatutupad natin ang pagtangkilik sa mga gawang Pilipino. Upang maisakatuparan ito, magkakaroon ng maayos na imprastraktura tulad ng kalsada sa mga liblib na nayon upang madaling dalhin ang kanilang produkto sa pamilihang bayan.
Sa hanay naman n gating manggagawa na gumagamit ng lakas sa paggawa aalisin ang sistemang contractualization at on the job training sa kadahilanang ito ay sinasamantala ng mga kapitalista at mamumuhunan. Magkakaroon din tayo ng buwanang dayalogo sa mga mangagawa, tsuper, at mahihirap na sector upang mapakinggan ang kanilang panig ukol sa ekonomiya ng ating bansa. Sa usapang pamahalaan ipagpapatuloy natin ang paglinis ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno at pananagutin sa kanilang ginawang kasalanan. Ito ay isang problema na matagal na panahon na natin nilulutas. Sisikapin ng pamahalaan na pabilisin ang sistemang hudikatura at pagalis ng sistemang justice delay. Masinop nating susubaybayan ang mga matataas na antas ng korapsyon na sangay ng gobyerno: department of costum, department of public works and highway, at department of agriculture.

Isang puntos at siyam na taon ang nakalipas ating nakamtan ang kalayaan makalipas ang daan daang panahon. Ngayon sinabi muli na ito ay imposible upang gawin muli kung ano dapat gawin. Ihalal ninyo ako bilang pangulo ngayon nangangako ako ng isang magandang bukas para sa ating lahat.

No comments:

Post a Comment