Monday, December 14, 2015

Halaga ng guro

            Ikalawang magulang sa ikalawang tahanan. Ikalawang gabay sa ikalawang mundo. Ikalawa……. Kay sakit man isipin ngunit iyan ang tingin nila sa mga guro. Ikalawa, ngunit kahit kabila sa patong patong na assignments, projects, quiz, at exams hindi natin mapagkakaila na malaki ang epekto ng mga guro sa ating buhay. Maari ka nilang saktan o gabayan sa labas o loob ng paaralan. Kaya’t bakit sila ikalawa?
            Ayon sa huffington post isang article website sa internet bumaba ang interes ng estudyante  sa pagiging guro mula sa 7% noong 2010 ay nagging 4% sa 2014. Ayon rin sa teaching monster .com ay hindi kayang gawin ng ibang guro na exciting ang kanilang subject lalo na sa mahihirap na subject tulad ng algebra. Kung magtatanong naman tayo ng dahilan bakit ayaw nilang maging guro ang isasagot nila ay mababa ang sweldo, boring, matrabaho, at magulo. Pero sapat ba yun bilang batayan na ayaw mong maging tao na humuhubog ng malalambot na lupa upang maging magandang obra? Kung titingnan maigi may mga malalim na dahilan kung bakit may mga ayaw maging guro.
            Una na lamang ay hawak mo ang kinabukasan, kaugalian, at pananaw ng mga batang nasa ilalim ng kapangyarihan mo. May taong sinasabi na may takot siya sa ibang bagay gawa ng kaniyang guro at ninais niyang umasenso dahil sa kaniyang guro. Pangalawa ikaw ay magulang ng napakaraming bata na hindi mo kaano ano ano at may kaniya kaniyang ugali. Yung disiplinahin nga ang kapatid mahirap na paano pa kaya yung ibang tao? Ikatlo at huli, hawak mo ang panulat sa kanilang mga blangkong pananaw, nasa saiyo ang kapangyarihan upang sila’y bumait at wag sumama. Iba ibang tao iba ibang kwento lahat ay nasa pangangalaga mo

            Mahalaga ba ang guro? Oo naman! Dahil ito ay trabahong hindi ipinapahawak sa kani kanino lamang. Ako nga mismo takot maging guro dahil di ko alam ang kaya kong gawin sa buhay ng mga batang mahahawakan ko ang buhay.

No comments:

Post a Comment