Monday, December 14, 2015

Ako'y mulat ikaw ang nakapikit

Makinig kayo sa kwento ko, Maaring ito na ang huling pagkakataon. Ako ay isang detective, nag aral sa Philippine science highschool at gumraduate sa unibersidad ng pilipinas sa kursong kriminolohiya. Bilang isang detective marami na akong nakaaway, mga drug lord, serial rapist, at mga mamamatay tao. Mga taong hindi mo nanaisin Makita sa talang buhay mo. Sisimulan ko na ang aking kwento, tungkol ito sa huling kaso na kinuha ko bilang isang detective. Ako ay gumising sa ganap na ala-sais ng umaga sa lakas ng aking telepono na isang babaeng humihingi ng tulong. Aking sinagot ang telepono at siya ay nagpakilalang si Irish, dalawampu’t isang gulang, ang kanyang ama raw ay dinukot ng isang lalaking naka asul na jacket. ako ay sanay na sa ganitong ngunit ang kakaiba lamang ay ang boses ng babaeng si irish ito ay pamilyar sa aking pandinig, habang ginugulo ako ng isip na iyon ako ay nagmadali ng kumain at humalik sa pisngi  ng aking ina.
            Dumiretso ako sa bahay ng babae at agad itong yumakap saakin. Ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari at kaya pamilyar ang kaniyang tinig ay siya ang aking kasintahan noong ako ay nasa 2nd year highschool. At aking tinukoy na ang kinalalagyan ng kaniyang ama gamit at teleponong nasa kaniya at nakita nga namin sila ang kaniyang ama ay umiinom ng kape at kumakain ng tinapay. Nasa mukha naming ni Irish ang pagtataka habang itinutok ng lalaki ang kutsilyo sa akin at sinabing “wala ka bang iniwan sa iyong tahanan mr.detective?” at ako ay nagmadaling itinumba ang lalaki at tinanong “anong ginawa mo sa ina ko?!” sabay kong itinutok ang kutsilyo sa kaniya at siya ay tumawa lamang, isang patibong lamang ang pagdakip sa ama ni irish at plano niyang dakipin ang aking ina. Walang imik si irish ditto at ang kaniyang ama ngunit nilinaw ng lalaki na hindi kasabwat ang dalawa. Agad akong umuwi sa amin at nakitang sira ang pintuan. May dalawang lalaki na naka hawak sa aking ina at ako ay nagdilim ang paningin pagkatapos kong Makita iyon.
            Nagising ako na duguan ang aking kamay at kita sa mukha ng aking ina ang takot. Ang dalawang lalaki ay nakahandusay  sa sahig, ako ay puno ng pagtataka dahil wala akong malay sa mga nangyari. Agad akong niyakap ng aking ina na sinabing “magiging ayos din ang lahat” at may mga dumating na pulis na agad akong dinampot. Umiiyak ang aking ina na habang hawak siya ng isang pulis. Mabilis ang mga pangyayari ako ay hinatulan ng korte dahil kahit may dahilan ang aking nagawa ang pag patay ay pagpatay.

            Nandito ako ngayon nagsusulat ng kwento tungkol sa nangyari kahapon. Nadakip ang lalaki at nakita ko uli ang una at huli kong kasintahan dahil sa ilang minuto ako bibitayin na. at ng malapit ng bumaril ang firing squad ay aking naisip “nandito ako dahil hindi sa pumatay ako, nandito ako dahil sa ipinaglalaban ko” at ako pumikit na lamang.

No comments:

Post a Comment