Mataas na grado…. Sino
bang hindi naghangad non? Kahit ang isang bulakbulero o kurakot ng pulitiko ay
minsang naghanga ng mataas na grado. Lalo na sa mga pagkakataong nais mong
magpakitang gilas sa magulang mo, sa kapatid mo o sa minamahal mo. Pero pag naabot
mo ito ano nga ba talaga ang pakiramdam? Masaya? Magalak? Pagtataka? Kamot sa
ulo? O isang linggo kang windang? Ito ang kwento ni Ian kaye limson na nakakuha
ng 97.80% sa entrance examination Malayan colleges.
Kung magkakaroon ka ng karangalan na kausapin si Ian Kaye
ay magugulat ka sa kaniya napaka simpleng babae, wala siyang arte, at hindi
iisiping may natatagong espesyal na kakayahan. Noong tinanong ko siya kung
anong pakiramdam niya noong nakakuha siya ng ganoong marka ang kaniyang sinagot
“Ayos lang, pero mas masaya pa ang magulang ko sa akin, pinapapost nga nila
sakin eh kaso ayaw ko” kitam? Mismong
magulang niya pa ang nagpupumilit na ipakita ang kaniyang kahusayan sa mundo
ngunit siya rin ang may ayaw. Mayabang ba siya? Sa makitid ang utak oo naman
pero sa mga kaibigan at nagkaroon ng pribilehiyong makausap siya ay makikita mo
ang pagpapakumbaba sa binibining ito.
Kung lahat kaya ng tao
katulad ni ian kaye na simple pero maraming itinatagong talino. Siguro
maunlad tayo ngayon. Siya ang buhay na representasyon na ang kabataan ang pag
asa ng bayan. Mga salitang binitiwan ni gat. Jose rizal. Hindi naman na
sinasabi kong maging katulad tayong lahat ni ian kaye. Matuto lang siguro
tayong kumagat muna bago tumahol. Ansarap lang na makitang hindi totoo na ito
ang pinakamalalang henerasyonm dahil may iilang tao pa na alam nating may
magagawa sa kinabukasan.
No comments:
Post a Comment