God rested on the 7th day after he made the heavens and earth.
He stood by and looked at his creation, took a deep breath, then he said:
"It is good"
After centuries and billions of years he felt empty, he can't explain, but he knows that something is missing...
One day he decided to take every beautiful creation he ever made and mold it into one perfect object.
He took the stars to create the brightest smile to dazzle even the most cold-hearted men
He took the sweet tune of the birds, and used it to create the sweetest voice.
He then took the warm glow of sunrise and put it in her radiate warmth for the joy of everyone around her
He then finally placed her in the world and said " This girl shall be called Francine"
He laid back and check it once more and he said "Finally! It's perfect!"
Tuesday, December 22, 2015
Friday, December 18, 2015
Jar
I ask my friend to give my gift, the jar that is full of 366 handwritten letters, to my long time crush. My friend told me how she responded and this is how she responded: *stomping feet* "I don't deserve this I've been mean to him". I've had a hard time thinking if that is a positive or negative thing and until now I'm still thinking about it. But the statement "I don't deserve this" is what made my head turn.
She is my crush for a year and 4 months and I can't even remember if I had any reason of liking her. Anyway that statement is really striking. She deserve the best in the world: she deserved to be court, to be loved, and to be praised. She deserved everything great thing in the world including my jar with effort hehehe. But in reality it made me think, do I even deserve her?
The jar I gave her was a a Christmas present and to remind her I still like her even after all this time. It was nothing more than that. I'm happy that she is happy and she deserves true happiness, even if they're not from me/.
She is my crush for a year and 4 months and I can't even remember if I had any reason of liking her. Anyway that statement is really striking. She deserve the best in the world: she deserved to be court, to be loved, and to be praised. She deserved everything great thing in the world including my jar with effort hehehe. But in reality it made me think, do I even deserve her?
The jar I gave her was a a Christmas present and to remind her I still like her even after all this time. It was nothing more than that. I'm happy that she is happy and she deserves true happiness, even if they're not from me/.
Thursday, December 17, 2015
After Everything
Dear My Past best friend,
Kamusta ka na? Alam mo ba 1 year na since nung nag away tayo? hahahaha time flies nga naman pero sumulat ako para hindi mang asar ,ngunit para humingi ng tawad. Nasaktan kita ng sobra noon at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensya ko ngayon kung bakit ko nagawa iyon sa iyo. Alam kong maka ilang beses na akong humingi ng tawad at ako'y hihinging muli. Patawad sa lahat ng aking nagawang hindi kanais nais sa iyo.
Sa kabilang banda naman ay nais kong magpasalamat dahil kahit naman sa isang punto ng buhay ko ay lumigaya ako kasama ka. Ang higit ko pang ipinagpapasalamat ay noong tayo ay ipinagharap dalawa at sinabi mo na gusto mong ibalik yung dati nating pagkakaibigan. Sa totoo lang nagsisisi ako hanggang ngayon kung bakit hindi ko tinanggap ang alok mo na iyon, at inabot pa ako ng isang taon upang maunawaan ang sitwasyon. Nagsisisi akong itinaboy ko ang taong kahit grabe ko ng sinaktan ay handa pa rin akong tanggapin sa huli.
Ang hinihiling ko lang ngayon kahit huli na ay nais kong maibalik ang dati nating pagkakaibigan. Ang isang bagay na itinapon ko sa di ko maalalang dahilan. Hindi biglaan pero kahit unti unti. Nanghihinayang ako na pinakawalan ko ang isang tao na kasing bait mo. Kung hindi na naman maibabalik ang dati ay matatanggap ko naman at naiintindihan kita. Muli salamat sa pagiging maintindihin at pagiging kaibigan ko. Inaasahan ko ang iyong sagot. ^_^
Kamusta ka na? Alam mo ba 1 year na since nung nag away tayo? hahahaha time flies nga naman pero sumulat ako para hindi mang asar ,ngunit para humingi ng tawad. Nasaktan kita ng sobra noon at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensya ko ngayon kung bakit ko nagawa iyon sa iyo. Alam kong maka ilang beses na akong humingi ng tawad at ako'y hihinging muli. Patawad sa lahat ng aking nagawang hindi kanais nais sa iyo.
Sa kabilang banda naman ay nais kong magpasalamat dahil kahit naman sa isang punto ng buhay ko ay lumigaya ako kasama ka. Ang higit ko pang ipinagpapasalamat ay noong tayo ay ipinagharap dalawa at sinabi mo na gusto mong ibalik yung dati nating pagkakaibigan. Sa totoo lang nagsisisi ako hanggang ngayon kung bakit hindi ko tinanggap ang alok mo na iyon, at inabot pa ako ng isang taon upang maunawaan ang sitwasyon. Nagsisisi akong itinaboy ko ang taong kahit grabe ko ng sinaktan ay handa pa rin akong tanggapin sa huli.
Ang hinihiling ko lang ngayon kahit huli na ay nais kong maibalik ang dati nating pagkakaibigan. Ang isang bagay na itinapon ko sa di ko maalalang dahilan. Hindi biglaan pero kahit unti unti. Nanghihinayang ako na pinakawalan ko ang isang tao na kasing bait mo. Kung hindi na naman maibabalik ang dati ay matatanggap ko naman at naiintindihan kita. Muli salamat sa pagiging maintindihin at pagiging kaibigan ko. Inaasahan ko ang iyong sagot. ^_^
Monday, December 14, 2015
Feature article
Mataas na grado…. Sino
bang hindi naghangad non? Kahit ang isang bulakbulero o kurakot ng pulitiko ay
minsang naghanga ng mataas na grado. Lalo na sa mga pagkakataong nais mong
magpakitang gilas sa magulang mo, sa kapatid mo o sa minamahal mo. Pero pag naabot
mo ito ano nga ba talaga ang pakiramdam? Masaya? Magalak? Pagtataka? Kamot sa
ulo? O isang linggo kang windang? Ito ang kwento ni Ian kaye limson na nakakuha
ng 97.80% sa entrance examination Malayan colleges.
Kung magkakaroon ka ng karangalan na kausapin si Ian Kaye
ay magugulat ka sa kaniya napaka simpleng babae, wala siyang arte, at hindi
iisiping may natatagong espesyal na kakayahan. Noong tinanong ko siya kung
anong pakiramdam niya noong nakakuha siya ng ganoong marka ang kaniyang sinagot
“Ayos lang, pero mas masaya pa ang magulang ko sa akin, pinapapost nga nila
sakin eh kaso ayaw ko” kitam? Mismong
magulang niya pa ang nagpupumilit na ipakita ang kaniyang kahusayan sa mundo
ngunit siya rin ang may ayaw. Mayabang ba siya? Sa makitid ang utak oo naman
pero sa mga kaibigan at nagkaroon ng pribilehiyong makausap siya ay makikita mo
ang pagpapakumbaba sa binibining ito.
Kung lahat kaya ng tao
katulad ni ian kaye na simple pero maraming itinatagong talino. Siguro
maunlad tayo ngayon. Siya ang buhay na representasyon na ang kabataan ang pag
asa ng bayan. Mga salitang binitiwan ni gat. Jose rizal. Hindi naman na
sinasabi kong maging katulad tayong lahat ni ian kaye. Matuto lang siguro
tayong kumagat muna bago tumahol. Ansarap lang na makitang hindi totoo na ito
ang pinakamalalang henerasyonm dahil may iilang tao pa na alam nating may
magagawa sa kinabukasan.
Presidential Speech
Magandang araw sa inyong lahat, narito ako upang ilatag
ang aking plataporma kung ako ay inyong bibigyan ng pagkakataon maging pangulo ng
republika ng pilipinas. Edukasyon ang unang bagay na aking nais bigyan pansin
sa kadahilanang ito ang humuhubog sa atin, sa pagpapaunlad ng sistema ng
edukasyon tayo ay humuhubog ng mga pinuno para sa kinabukasan, ang edukasyon ay
ang ilaw na maggagabay sa mga susunod sa henerasyon. Bibigyan ng pamahalaan ng karagdagang
pondo ang bawat unibersidad at pampublikong paaralan upang magkaroon sila ng
kagamitan na mas mapapadali ang kanilang pagkatuto. Habang ang mga guro naman,
kasama ng iba pang naglilingkod sa pamahalaan ay bibigyan ng sapat na sahod sa
bawat buwan at benepisyo upang sila ay malayo sa tukso na manloko o magnakaw.
Sa usaping kalusugan naman ay pagtutuunan ko ng pansin ang mga lugar na malayo
sa siyudad at malayo sa kamalayan. Sila ay padadalhan ng mga doctor at
papatayuan ng mga klinika na may sapat na kagamitan. Sa mga pampublikong
ospital naman bibigyan ko ng kagamitan na nakasabay sa kagamitan ng amerika
upang hindi sila napagiiwanan at mas nakakagamot ng mas malulubhang sakit. Ipapatupad
ko rin ang isang batas na kung mamamatay ang pasyente sa ospital ay walang
kabayaran ang dapat ibigay ng pamilyang nawalan. Sapat na ang sakit ng mawalan
wag na natin ito gatungan pa.
Palalakasin ng pamahalaan ang freedom of information bill
upang magkakaroon ng kaaalman sa paglustay ng pondo mula sa barangay hanggang
sa pinakamataas na pinuno ng bayan. Sa usapin naman ng kalakalan ay ibabalik
natin ang patakarang Pilipino muna kung saan ipatutupad natin ang pagtangkilik
sa mga gawang Pilipino. Upang maisakatuparan ito, magkakaroon ng maayos na
imprastraktura tulad ng kalsada sa mga liblib na nayon upang madaling dalhin
ang kanilang produkto sa pamilihang bayan.
Sa hanay naman n gating manggagawa na gumagamit ng lakas
sa paggawa aalisin ang sistemang contractualization at on the job training sa
kadahilanang ito ay sinasamantala ng mga kapitalista at mamumuhunan.
Magkakaroon din tayo ng buwanang dayalogo sa mga mangagawa, tsuper, at
mahihirap na sector upang mapakinggan ang kanilang panig ukol sa ekonomiya ng
ating bansa. Sa usapang pamahalaan ipagpapatuloy natin ang paglinis ng mga
tiwaling opisyal ng gobyerno at pananagutin sa kanilang ginawang kasalanan. Ito
ay isang problema na matagal na panahon na natin nilulutas. Sisikapin ng
pamahalaan na pabilisin ang sistemang hudikatura at pagalis ng sistemang
justice delay. Masinop nating susubaybayan ang mga matataas na antas ng
korapsyon na sangay ng gobyerno: department of costum, department of public
works and highway, at department of agriculture.
Isang puntos at siyam na taon ang nakalipas ating
nakamtan ang kalayaan makalipas ang daan daang panahon. Ngayon sinabi muli na
ito ay imposible upang gawin muli kung ano dapat gawin. Ihalal ninyo ako bilang
pangulo ngayon nangangako ako ng isang magandang bukas para sa ating lahat.
Ako'y mulat ikaw ang nakapikit
Makinig kayo sa kwento ko, Maaring ito na ang huling
pagkakataon. Ako ay isang detective, nag aral sa Philippine science highschool
at gumraduate sa unibersidad ng pilipinas sa kursong kriminolohiya. Bilang
isang detective marami na akong nakaaway, mga drug lord, serial rapist, at mga
mamamatay tao. Mga taong hindi mo nanaisin Makita sa talang buhay mo. Sisimulan
ko na ang aking kwento, tungkol ito sa huling kaso na kinuha ko bilang isang
detective. Ako ay gumising sa ganap na ala-sais ng umaga sa lakas ng aking
telepono na isang babaeng humihingi ng tulong. Aking sinagot ang telepono at
siya ay nagpakilalang si Irish, dalawampu’t isang gulang, ang kanyang ama raw
ay dinukot ng isang lalaking naka asul na jacket. ako ay sanay na sa ganitong
ngunit ang kakaiba lamang ay ang boses ng babaeng si irish ito ay pamilyar sa
aking pandinig, habang ginugulo ako ng isip na iyon ako ay nagmadali ng kumain
at humalik sa pisngi ng aking ina.
Dumiretso
ako sa bahay ng babae at agad itong yumakap saakin. Ipinaliwanag niya ang lahat
ng nangyari at kaya pamilyar ang kaniyang tinig ay siya ang aking kasintahan
noong ako ay nasa 2nd year highschool. At aking tinukoy na ang
kinalalagyan ng kaniyang ama gamit at teleponong nasa kaniya at nakita nga
namin sila ang kaniyang ama ay umiinom ng kape at kumakain ng tinapay. Nasa
mukha naming ni Irish ang pagtataka habang itinutok ng lalaki ang kutsilyo sa
akin at sinabing “wala ka bang iniwan sa iyong tahanan mr.detective?” at ako ay
nagmadaling itinumba ang lalaki at tinanong “anong ginawa mo sa ina ko?!” sabay
kong itinutok ang kutsilyo sa kaniya at siya ay tumawa lamang, isang patibong
lamang ang pagdakip sa ama ni irish at plano niyang dakipin ang aking ina.
Walang imik si irish ditto at ang kaniyang ama ngunit nilinaw ng lalaki na
hindi kasabwat ang dalawa. Agad akong umuwi sa amin at nakitang sira ang
pintuan. May dalawang lalaki na naka hawak sa aking ina at ako ay nagdilim ang
paningin pagkatapos kong Makita iyon.
Nagising
ako na duguan ang aking kamay at kita sa mukha ng aking ina ang takot. Ang
dalawang lalaki ay nakahandusay sa
sahig, ako ay puno ng pagtataka dahil wala akong malay sa mga nangyari. Agad
akong niyakap ng aking ina na sinabing “magiging ayos din ang lahat” at may mga
dumating na pulis na agad akong dinampot. Umiiyak ang aking ina na habang hawak
siya ng isang pulis. Mabilis ang mga pangyayari ako ay hinatulan ng korte dahil
kahit may dahilan ang aking nagawa ang pag patay ay pagpatay.
Nandito ako ngayon nagsusulat ng kwento tungkol sa
nangyari kahapon. Nadakip ang lalaki at nakita ko uli ang una at huli kong
kasintahan dahil sa ilang minuto ako bibitayin na. at ng malapit ng bumaril ang
firing squad ay aking naisip “nandito ako dahil hindi sa pumatay ako, nandito
ako dahil sa ipinaglalaban ko” at ako pumikit na lamang.
Speech about Cyber Bullying
Good day everyone, I am
Patrick Abarra and I am here today to inform you about the cause and effects of
cyber-bullying. First let’s talk about the cause; some do it for revenge, for
they cannot express it in real life if they cannot hurt someone physically they
will do it psychologically. Some do it for entertainment purposes, well if
someone does do it for entertainment purposes these kids are psychos in the
making. Some do it to boost their ego, of course you are much tougher on the
internet knowing no one can punch you over so toughness provided, you are so
brave for fighting someone who cannot touch you. Some do it for the laughs,
those are the one who are unconscious about the pain they are causing, and
thinking everything they’ve done is a joke. These are the causes of cyber
bullying but do you know what causes the cyber bullying the most? The audience,
they keep tolerating someone’s action ignoring the fact that they can save a
certain someone, but no, they are too afraid to stand up for something right.
Well I live in this generation I’ve seen things, horrible things well it’s the
internet
Moving on, the effects of cyber bullying is not the type
you see with your naked eye but it is the type that can only be seen by the
closest person to the victim, a parent, a relative, or a very close friend may
see it. Because physical pain can leave scars that will heal, while the pain
that cyber bullying leaves is the psychological one, it is the type that time
won’t heal it is the type that time will grow and worse it will devour you and
push you into suicidal stage.
Most of my speech is from me. So let’s hear some of the
celebrities quotes about cyber bullying. Here is one quote from my favorite
female sing taylor swift: If you’re horrible
to me, I’, going to write a song about it, and you won’t like it. That’s how I
operate. These are powerful words that can help anyone but not all of us is
tough as taylor, I think she should be a role model ignoring the fact she dated
a lot of guys. Another is from demi lovato, I don’t like her but these words
mean something “People say sticks and stones may break your bones,
but names can never hurt you, but that’s not true. Words can hurt. They hurt
me. Things were said to me that I still haven’t forgotten.” Demi, in this topic
is not as tough as taylor, she is still hurt about something that is said to
her. Cyber bullying is more of a play with words, only few use a picture. Most
of them even do it for fun, but like Charlie chaplin once said My pain
may be the reason for somebody’s laugh. But my laugh must never be the reason
for somebody’s pain.wise words said by a man who made a living by not speaking.
So in the
end cyber bullying is the worst thing you could do to a person for hurting
someone psychologically knowing they cannot hurt you back is really mean. Let’s
agree to think before you click.
Halaga ng guro
Ikalawang magulang sa
ikalawang tahanan. Ikalawang gabay sa ikalawang mundo. Ikalawa……. Kay sakit man
isipin ngunit iyan ang tingin nila sa mga guro. Ikalawa, ngunit kahit kabila sa
patong patong na assignments, projects, quiz, at exams hindi natin mapagkakaila
na malaki ang epekto ng mga guro sa ating buhay. Maari ka nilang saktan o
gabayan sa labas o loob ng paaralan. Kaya’t bakit sila ikalawa?
Ayon sa huffington post isang article website sa internet
bumaba ang interes ng estudyante sa
pagiging guro mula sa 7% noong 2010 ay nagging 4% sa 2014. Ayon rin sa teaching
monster .com ay hindi kayang gawin ng ibang guro na exciting ang kanilang
subject lalo na sa mahihirap na subject tulad ng algebra. Kung magtatanong
naman tayo ng dahilan bakit ayaw nilang maging guro ang isasagot nila ay mababa
ang sweldo, boring, matrabaho, at magulo. Pero sapat ba yun bilang batayan na
ayaw mong maging tao na humuhubog ng malalambot na lupa upang maging magandang
obra? Kung titingnan maigi may mga malalim na dahilan kung bakit may mga ayaw
maging guro.
Una na lamang ay hawak mo ang kinabukasan, kaugalian, at
pananaw ng mga batang nasa ilalim ng kapangyarihan mo. May taong sinasabi na
may takot siya sa ibang bagay gawa ng kaniyang guro at ninais niyang umasenso
dahil sa kaniyang guro. Pangalawa ikaw ay magulang ng napakaraming bata na
hindi mo kaano ano ano at may kaniya kaniyang ugali. Yung disiplinahin nga ang
kapatid mahirap na paano pa kaya yung ibang tao? Ikatlo at huli, hawak mo ang
panulat sa kanilang mga blangkong pananaw, nasa saiyo ang kapangyarihan upang
sila’y bumait at wag sumama. Iba ibang tao iba ibang kwento lahat ay nasa
pangangalaga mo
Mahalaga ba ang guro? Oo naman! Dahil ito ay trabahong
hindi ipinapahawak sa kani kanino lamang. Ako nga mismo takot maging guro dahil
di ko alam ang kaya kong gawin sa buhay ng mga batang mahahawakan ko ang buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)