Saturday, July 28, 2018

Day 209: Ang hirap pala

ang hirap pala...
na ikaw ang nasa isip ko sa tuwina
na ikaw ang hinahanap ng sa gilid ng mata
na ikaw ang laman ng aking bawat tula
na ikaw ang sanhi ng aking mga tawa
na ikaw ang sanhi ng luha sa mata
na ikaw ang dahilan kaya ako nasasaktan
na ikaw ang dahilan kaya ako umaasa
na ikaw ang dahilan kaya handa ako masaktan
na ikaw ang bumubuo ng araw ko
na ikaw ang dumudurog ng puso ko
na ikaw ang bituin sa langit
na ikaw ang sanhi ng bawat sakit
na ikaw ang laman ng bawat kanta
na ikaw ang pinagaalayan ko ng itong tula
ang hirap pala...

No comments:

Post a Comment