Thursday, July 5, 2018

Day 186: Selos

kaya lang kita tingnan sa malayuan
mga sulyap na puno ng kahulugan
kung makausap man
ito ay panandalian lamang
di pwede magreklamo dahil kaibigan lang
at alam mong hanggang dyan ka lang
ngunit araw araw mong pala isipan
kung magkakaron ba ng kaibahan
kung may nagawa ka lamang
at hindi na sana naunahan
edi sana ako ang lagi mong katawanan
ako sana ang lagi mong kalokohan
ako ang nasa tabi mo lamang
pero ngayong ako ay hanggang tingin lamang
hanggang dito lang ang kahihinatnan
pero hindi naman dahil wala kong karapatan
ay wala na kong sakit na naramdaman

No comments:

Post a Comment