Wednesday, July 25, 2018

Day 206: Ayoko

Kung hindi ikaw, ayoko na muna
Ayoko na muna magmahal ng iba
ayoko muna makakita 
ng kagandahan ng iba
o kaya kung gaano sila kapambihira
at kung gaano sila magiging mahalaga
basta inayawan mo ko sa simula 
kaya kung usapang pag-ibig, ayoko muna
gusto ko muna malimot ka
at kung gaano kaganda
ang iyong ngiti at mga mata
kalilimutan ko muna
kung paano mo ko napapasaya
sa mga araw na ako ay papasuko na
kung paano mo ko napapangiti kahit na
wala kang alam sa iyong nagagawa
dahil nakakainis isipin na
na kahit anong gawin kong tama
ang tingin mo sakin ay hindi hihigit na
sapagkat ako ay kaibigan lang talaga
kaya ayako na muna
umibig ng kahit sino pa
hayaan ko muna 
na ikaw ay makalimutan na

No comments:

Post a Comment