Friday, July 13, 2018

Day 194: BS Psychology 1-1


Binuo niyo ang tatlong linggo ng buhay ko
na hiniling ko na sana hanggang apat na taon na to
ngunit tumawag ang oportunidad
at kinailangan ko na ang buhay ko'y umusad

ang pangarap kong apat na taon
ay naudlot lamang sa tatlong linggo
na bawat araw ay makahulugan
na bawat segundo ay di ko makalimutan

nagkaron na ako ng pamilya
sa labas ng aking tahanan
nais ko pa sana kayo ay higit pang makilala
ngunit ito na ang hangganan

walang hangganang pasasalamat
ang kaya ko lamang sa inyo ay ibigay
ngunit kasama na rin ang mga patawad
dahil maaga akong napawalay

salamat dahil naransan ko
na naging parte ako ng pamilya na to
naranasan ko ang kaligayahan
na kahit minsan ay di ko naransan

naranasan ko pumasok nang di lang para mag aral
na hindi ko ramdam ang pag kakasakal
bagkus sa paaralan man o tahanan
ramdam ko na ako ay may bilang at kahulugan

marahil habang buhay kong iisipin
kung di ko pinili na kayo ay lisanin
mga pala isipan na sana
pinili ko ang pamilya ng sikolohiya

sa huli salamat sa mga ala ala
sa maigsi nating pagsasama
sana sa muli nating pagkikita
ay walang mag iiba

No comments:

Post a Comment