Nakaupo at luhaan sa daanan
Ganyan kita unang natagpuan
Nagulat ako sa napagmasdan ko
Nang Makita kitang nadudurog sa harapan ko
Inabot ko ang aking kamay
At inalay bawat oras ng aking buhay
Habang tinatakpan mo ang iyong braso
Pilit kong hinihilom ang iyong puso
Kinukubli ko ang mga sarili kong sugat
Habang pilit kitang inaangat
Ngunit kasabay ng pag angat ko sa iyo
Ay nahuhulog na ang aking puso
Dumating ang araw na di kita makilala
Tila bang nag ibang tao ka na
Ang kahapon sayo ay unti unting nawalan ng bakas
Naghilom na ang puso mo, kasabay ng iyong mga laslas
At nakita ko na ang estatwa kong nililok
Na naging perpekto na ang pagkahubog
Nakakatawa na ang taong aking binuo
Ay siyang dudurog ng aking puso
At nang Makita ko na ayos ka na
Ay inamin kong mahal kita
Ngunit nasa piling ka na ng iba
At sinabi mo “pasensya na, kaibigan lang kita”
No comments:
Post a Comment