Bakit kaya ganito ang mundo?
Kailangan ikaw ay ganito
para bang sila nagtatakda
ng mga bagay na dapat maging sino ka
kapag maganda ka
dapat sa maganda ka mapunta
kapag pangit ka
aba, manigas ka dyan
tipong wala kang kalayaan
na ang puso ay sundan
dahil ang iyong pinakatatakutan
ang mga matang antalim ng tinginan
at malinaw na sayo na ikaw ay hinuhusgahan
ang sarap siguro na kahit isang araw lang
mabubuhay ka sa sarili mong galawan
yung matutuwa ka sa taong nasa harap ng salamin
ay hindi mo siya paulit ulit tatanungin
kung sino ba siya
at bakit parehas kayo ng ginagawa
ngunit hindi mo sya makilala
No comments:
Post a Comment