Monday, August 20, 2018

Day 232: Mga natutunan ko sa The Day After Valentine's Day

#1: Minsan isa lang ang papel mo sa isang tao
- minsan nadating tayo sa buhay ng tao para tulungan siya maging mas maayos na tao pero kailangan natin tanggapin minsan may hanggang dun lang yun at wala na dapat humigit pa.

#2: Ipakita mo na sa simula kung sino ka
- mahirap kapag bumuo ka ng pagkatao para sa taong gusto mo tapos kapag napagod ka na ikubli ang sarili mo dun, iiwanan ka. Masakit kapag iniwan ka sa pagkakataon na masyado na siyang nasa isip at puso mo. Magpakatotoo ka simula pa lang. Spare yourself from the pain

#3: Apologies
- Ang kapatawaran ay ibinibigay mo sa tao hingin man niya to o hindi. Dahil mahirap maging bilanggo ng sarili mong isip at nagkikimkim ng damdamin. Sa oras na matuto kang magpatawad ay magiging malaya ka sa mga bagay na iyong tinatakbuhan.

#4: Halo effect
- kaya minsan napapasok sa mga toxic na relasyon dahil masyado nating tinitingnan o exaggearated na ang mga katangian niya sayo. minsan isipin din na di perpekto ang tao. Mahalagang malaman ito lalo na pag nag momove on.

#5: Lamat
- minsan ang isang tao na makikilala mo sa isang buong linggo o kahit tatlong linggo lamang ay mag iiwan ng malaking lamat o tatak sa puso mo na kakailanganin ng taon para mawala.

#6: Freebies
- Libreng magmahal ng kahit sinong gusto mo. basta wag kang aasa na kaya niyang ibalik ang nararamdaman mo. Libre magmahal pero mahirap na.

#7: Wag masyado advance magisip
- Mahuhulog ka sa isang tao at makikita mo na ang kinabukasan mo kasama siya kahit hindi mo alam kung may magiging kayo ba. Hinay hinay sa pag iisip, basta enjoy the moment kasi di mo alam hanggang san lang yan.

#8: Utang na Loob
- Kahit kelan hindi obligasyon ng isang tao na mahalin ka kahit anong nagawa mo pa para sa kaniya, Tandaan mo yan.

#9: Unrequited Love
- Maraming natutuwa sa terminolohiya na ito pero ang totoo lang ay sinisira mo sarili mo habang siya ayos lang naman,

#10: Sugat
- May mga sugat na hindi na naghihilom o kaya nagpepeklat na sila. Pero ang mga sugat na bumabaon ay yung mga hindi nakikita ng mata,

#11: Motibo
- Madaling sabihin na gusto o mahal mo na ang isang tao. Pero bago ka magsabi o magpakita ng motibo, isipin mo ng isang daang beses tapos isang libo pa. Hindi mo alam ang epekto nito sa taong pagsasabihan mo

#12: LBC
- Minsan kasalanan mo na rin kung magpadala ka masyado sa mga matatamis na salita, minsan alamin mo ang halaga mo para hindi ka masyadong maapektuhan.

#13: Dahilan
- Minsan ayaw niya sayo dahil ganito ka o ganyan o may ibang tao siyang gusto. Minsan sadyang ayaw niya sayo ng walang dahilan.

No comments:

Post a Comment