Wednesday, August 22, 2018

Day 234: Magpanggap

Ngingiti ako sayo kapag nadaanan ka
at malamang tumango pa ng bahagya
kung biruin pa ng tadhana
kakausapin pa kita

aasta ako na parang wala 
tipong magkaibigan parin tayo
kahit alam kong maiinis ka
ayun ang gagawin ko

kakayanin ko pigilin ang luha
kahit ang sabik na makita ka
tulad ng mga una kong inasal
aasta ako na parang normal

matagal na panahon na rin ang lumipas
nang matapos ang sa atin at naganap
marahil lahat ng damdamin ay di pa kumupas
pero di tulad mo, kaya kong magpanggap

No comments:

Post a Comment