Sa pagpasok ko sa bawat silid
ang lagusan sa labas, ay laging sa mata nangingilid
bago ako magkamali at mahusgahan
mabuti nang sila ay aking maunahan
Wag kang magbibigay ng dahilan
upang ikaw ay matitigan
kaya sa wala akong sasabihin
walang kwento na ihahain
at walang salitang sasambitin
Manatili sa loob ng bahay, upang di maliwanagan
isang kataga na saking sarili ipinagdikdikan
sa bawat oras na sa labas ika'y susugal
na makisalamuha ay ipapaalala nila kung bakit
ka nanatili sa loob at sinolo ang sakit
natuto ka na at hindi na nais matuto pang muli
pag sumubok lumabas, baka lang sila'y magkamuhi
dito sa loob ako ay mananatili
sinosolo ang mundo, sa kandilang nakasindi
sa inyo ako laging nakamasid
ako ba'y naglaho o kayo ay manhid?
sa pagtanaw sa inyo ako ay pilit
nagiisip kung dito ako pa ay hihigit
kahit anong kaway o katok sa bintana
ako'y di niyo napapansin
mga bagay na noon ay alintana
naging normal na rin
Sinubukan ko na sa inyo ay makisalo
palakihin ang pinaliit kong mundo
ngunit mali, maling mali ako
nagsalita ako na walang nakarinig
o kaya ay wala na lang pumansin
sa paglakas ng puso sa pintig
ako'y nagihintay pa rin ng sasama sa akin
Sa mga panahon na sinubok ko na makisalamuha
may kumaway ba pabalik? o kahit nakapuna?
Lahat naman nagsisimula
ng may kinang sa mga mata
mga panahon na akala natin ay
tayo sa kanila ay nababagay
Ngunit hindi lahat ay nanatili
at hindi mo alam san ka nagkamali
Kapag nahulog ba ang isang sanga
sa isang puno sa isang kagubatan
ay may tunog ba syang ginagawa?
kapag ako ba ang nawala
may makakapansin ba?
gumawa ba ko ng tunog?
kahit ingay man lang?
gumawa ba ko ng tunog?
kahit ingay man lang?
gumawa ba ko ng tunog?
kahit ingay man lang?
gumawa ba ko ng tunog?
kahit ingay man lang?
Parang wala naman akong ginawang tunog
parang wala naman akong ginawa na tunog
magkakaron kaya ako ng tunog?
No comments:
Post a Comment