Friday, March 2, 2018

Day 61: Bad poems (Tagalog version)

"Pag may tiyaga may nilaga"
hindi ko alam bakit naging
kaakibat ng pagtitiyaga ang
ulam na nilaga
mas matagal kaya magluto ng pakbet

"Bagong hari, bagong ugali"
minsan napapasama pa nga
kasi ayos na naman yung noon
pilit pa papaltan ng ngayon

"Bakal"
walang naninira sa bakal
kung hindi ang sarili nitong kalawang
pero ayon sa agham kailngan ng
tubig at hangin para kalawangin ito
kaya malaya kang manisi ng ibang tao
sa pinagdadaanan mo

"Simbahan"
Pagkahaba haba man daw ng prusisyon
sa simbahan pa rin ang tuloy
pwede kang ikasal o paglamayan
mamili ka

"Pagsisisi"
mag sisi ka man sa huli wala
na raw mangyayari
pero mamili ka
tumayo ka at magbago tulad ko
o kaya manisi tulad mo

"Batong"
batong pagulong gulong
di kakapitan ng lumot
parang napasama ka pa at nais mong umusad
kaysa lumutin sa kinatatayuan mo

"Taniman"
kung ano ang itinanim
siyang aanihin
gawin mo sa kapwa mo
ang nais nilang gawin sayo
sabi ng rapist

"Daga"
sabi nila wag mo pagsasalitan
ang mga daga ng masama
kung hindi ay kakainin nila damit mo
mga peste

"Itlog at sisiw"
Wag daw magbilang ng sisiw
habang di pa napipisa ang itlog
ang mokong na nagsabi noon
ay malamang walang alam sa negosyo

"Matanda"
Laging sinasabi na kasabihan
ng matanda ay dapat sundin
pero ang bata ay hindi nagsisinungaling
sino bang papaniwalaan namin?!

"Bato sa langit"
bato bato sa langit wag magalit
ay nasusunod ng madalas sa mundo
dahil pag tinamaan ka ng bato mula sa langit
maliit ang porsyento ng buhay ka pa

"Magnanakaw"
galit ang kapwa magnanakaw
sa kapwa magnanakaw
isang pahayag na nagpapatunay
kung gaano kahipokrito mga tao

"Isip"
pag may gagawin ka raw ay isipin
mo ng higit sa anim na beses
pero kapag ang exam ay multiple choice
na sampu pa blangko mo
at limang minuto na lang
aba bilis bilisan mo na

"Lipunan"
Lipunan: maging totoo ka sa sarili mo
Lipunan: hindi ganyan

No comments:

Post a Comment