Nagsisimula ang aking
araw sa sistemang ito; darating ako sa paaralan ng isang minuto bago ang
malakas na bell, darating ako sa labas ng silid aralan naming na may mga taong
nag uusap kaya’t mula sa iba’t ibang direksyon ang ingay. Tutunong muli ng bell
ng tatlong beses hanggang sa umabot sap unto na may malalim na matinis na boses
na lalabas sa speaker. “Lahat po ng nasa second floor, third floor at fourth
floor ay magsibaba nap o para sa ating assembly”. Minsan nakakatuwa kais kitang
kita pala kami sa CCTV tapos walang nag aabala kumilos.
Pagbukas ng pinto upang
simulan ang araw naming ay sadyang nakakatuwa. Sa oras na maamoy namin ang amoy
kulob na kwarto at natirang floorwax mula noong nakaraang linggo ay alam naming
magsisimula na ang araw namin.
Maingay, magulo, amoy
ulam, amoy paa, amoy polbo, amoy sanitizer at Sobrang lamig. Ganiyan sa Athena.
Minsan nakakainis ang kabi kabilang sigawan; may matinis, may malalim, may
sadyang nakakainis. Pero Masaya ako na ganito, dahil sa unang pagkakataon sa
buhay ko mula noong nakaraang taon ay nakapasok ako sa isang silid aralan na
hindi mabigat ang loob ko.
Minsan hindi ko nanga
inilalabas ang aking telepono dahil kapag iginala mo ang mata mo ay malilibang
ka sa mga tao rito. Meron kapag break time ay nasa may teacher’s table at
nagcacamping, meron naman na nasa tabi ng outlet at napakadamot magpacharge
akala mo sila nagbabayad ng kuryente, meron naman nag chechess na pampalipas
oras lang dapat ay lumipas na ang buong tanghalian bago makatira, at meron namang
may mga sariling mundo at sa di ko maipaliwanag na dahilan may kumukuha ng
litrato nila araw araw na parang nagbabago ba naman itsura nila. Malamig na
amoy ulam, ganyan kapag break time.
Syempre papadaig ba
naman ang mga panahon na may klase? Kanya kaniyang trip kapag may klase; meron
na kunwaring nakikinig pero lutang na pala, may literal na natutulog, may mga
akala mo nagbabasa pero nag cecellphone pala, at mayroon naman na nagaaral at
nakikinig mabuti, tulad ko.
Sa huli, nakakalungkot
isipin na sa loob ng ilang buwan ay maghihiwa hiwalay na kami. Ang amoy ng ulam,
lamig ng aircon, walang saysay na sigawan at sari saring tao na nakakasalamuha
mo araw araw ay mawawala at magiging ala ala na lamang. Dahil masama man sila
minsan, tulad mo ay umaangat ang mga ala alang iiwanan. Dahil lahat naman ay
may ipinamalas na kabutihan, tulad ko.
No comments:
Post a Comment