Monday, July 3, 2017

Tula

Walang sugat na hindi naghihilom
At walang luhang hindi natutuyo
Marami kang nais sabihin habang ang bibig ay nakatikom
Dahil kahit sa sariling isipan ika'y nahihilo

Walang nilamon ang pagbabago
Takot lamang tayo tanggapin ito
Kahit ang lantang bulaklak ay maaring mamukadkad
Kaya't may pag asa pang umunlad

Sa totoo'y hindi natin kailangan ng pagbabago
Bagkus kailngan natin ng pag asenso
Lagi na lang na pagbabago ang sinasabi nila
Bakit? Simula ba wala na tayong ginawang tama?

Mahigit pitong dekada ng matapos ang digmaan
At ng makamit natin ang kasarinlan
Marami ng dugo ang dumanak
At patuloy pa ring pumapatak

Ilang araw na lang ay may limang pagpipilian
Upang baguhin o ituloy ang nasimulan
Sana ito ay ating pagisipan
Nang sa huli ay hindi tayo nagtuturuan

No comments:

Post a Comment