Monday, July 3, 2017

Kapirasong Papel

Malakas ang ulan, ayon sa balita bumabagyo raw..... ka chat ko ang isang kaibigan at sinisisi sa kaniya ang ulan dahil sa kaniyang pag kanta. ang birong yung ay matanda pa sa aking lola na mukhang tita sa edad niyang 53 pero bakit nga ba nag simula itong biro na to? sabi ng iba gawa daw ng mga palaka. kaawa-awang nilalang hindi na nga kaakit akit sinisisi pa sa pwersa ng kalikasan. Talaga bang ugali na natin na isisi sa mga bagay bagay lalo na sa mga walang muwang ang mga bagay na hindi natin maipaliwanag? katulad ng isa kong guro itago natin siya sa pangalang ms.punk dahil iba iba ang shade ng buhok niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sa kahit anong pagkakataon ay nakapaling ang bangs niya sa kaliwa.

Nag paactivity samin si ms.punk at nagbigay siya ng papel na lagayan daw ng grade ng leader base sa pagtulong nito(dito pa lang ay nagsisimula na ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga engot) ang binigay niyang papel ay nasa kalahati ng 1/2 crosswise pahalang na nahahati sa 15 row at 12 column, grabe naman kahit karayom na isinawsaw sa tinta eh hindi mo yun masusulatan, pero hindi pa yung ang problema eh.

Isang beses nagpa activity si ms.punk at kinolekta ang papel ng mga duwende. Nag assign siya uli na tulad ng dati ay hindi na kami nagulat, isang fliptop battle at isang linggo lamang ang preparasyon, dyos ko! kahit yung mga malutong magmura sa youtube isang buwan ang preparasyon pero hindi pa iyon ang problema.

Dumating ang araw ng paghuhukom, sa sobrang kaba ang isa kong kaklase ay nagmarathon mula sa tindahan at banyo ng school para makakuha ng sabon at may kumukulo sa kaniyang sinapupunan. balik tayo sa judgement day, sa simula hinahanap ni ms.punk ang script ng fliptop, eh anak naman ng unggoy na nagungulangot malay ba namin na ipapasa yun. isinulat namin sa papel na sa sobrang dumi hindi na kakapitan ng tinta at hindi mo maiisip na papel, kung alam naming ipapasa sana inilagay pa namin yun sa scented paper tapos isinulat gamit ang g-tech. Pero hindi pa yun ang problema at dadating na ang problema .

Hinahanap ni ms.punk ang papel ng mga duwende na kaniyang kinolekta noong nakaraang linggo. Tinangka naming magpaliwanag ngunit beastmode na si ms.punk at idinikta ang bawat pagkakamali namin simula ng makilala niya kami at kung paano kami walang mararating. Lahat ay nakayuko maliban sa kaklase kong tumatae noon sa niyerbos, nakakainggit na wala siyang alam sa pangyayari, nagwalk out si ms.punk at nagdadabog. nag usap usap kami at nilalabas ang susot sa pader na magigiba na.

Natutunan namin na wag gagalitin ang mga taong may weird color scheme ang buhok at malakas pa sa kapit ng pulitiko na laging kabuntot ni pacquiao ang hair fix. Kinabukasan dumating uli sa ms. punk at dala dala ang kanyang mga gamit na akala mo ay secretary ng United Nations sa dami ng papel. Namisplace lang daw niya yung mga papel at nasa ilalim ng kaniyang desk, akala ko ay hihingi siya ng tawad sa amin biglang isinisisi pa sa amin dahil hindi daw namin inilagay sa magandang folder.

Lumabas siya ulit at tulad ng isang international team na niluto ang laban ay sabay sabay kaming nagmura na parang wala ng bukas. Lumakas ang bonding ng classroom ko pagkatapos ng pangyayaring yun

No comments:

Post a Comment