Monday, July 3, 2017

Pinagkaiba

Anlaki ng t-shirt ko...... oversized talaga. kanina nga tumatae ako pag buhos ko tumalsik sa tshirt ko eh. anlamig tuloy,  ang hirap talaga kapag nauubusan ka ng damit. Yung tipong lagi kang nawawalan na hindi mo maintindihan kung sinusuot mo ba o ginagawang basahan ng nanay mo. Mahirap talaga kapag kulang sa bahay. yung damit mo hindi lang pamporma, basahan pa! Kung kakulangan lang ang usapan idadamay ko na ang aking paaralan.

Ang room namin ay isang kwarto na masaya, magulo at MAINIT! grabe naman talaga eh. Kulang nalang paikutin kami sa isang plato at tuluyang microwave yung room. Impyerno na nga lessons impyerno pa ang init sa room. Alam mo yun? kasama mo na si satanas sabay sinusunog ka pa niya sabay nasa kalan ka pa? para bang pinagkaitan ng lamig sa lugar na iyon. Tapos may makakapal pa akong kaklase na hindi ko maintindihan kung lagi bang brownout sa kanila o hindi sila nagbabayad ng meralco na sa school pa nagchacharge. Electric fan na nga lang ang pampalamig sa room eh bubunutin pa para makacharge sila. Talagang bata pa lang eh may mga makakapal na pulitiko in the making. Sabay pag binunot mo sila pa galit! akala mo kanila ang school. Sila kaya isaksak ko sa outlet ng maging malamig na bangkay sila. Ang init nga na nga eh, PWE!

Pero kahit bwisit ang ilang kaklase ko ay hindi maipagkakaila na may maganda pa rin sa room tulad ng hightech na bintana namin. Kusang sumasara yun! hanep naman talaga eh. Tapos kahit umuulan o bumagyo man pumapasok ang ulan kahit sinasara namin. Sa school ko lang ata may invisible glass. Marami pang problema ang room namin tulad ng mga officers na nagpapameeting ng buong klase eh sila sila lang rin naman nagkakaintindihan kasama na yung ibang sipsip. Kaya oras na lumabas naman tayo sa room.

May quadrangle sa school namin. Hanep naman talaga! nakadepende sa angle ng araw kung paano kayo maiinitan! di ba math yun! Pero walang halong biro naisipan pa ng PTA na maglagay ng mga upuan dun upang maglibang ang iba eh luto naman talaga pwet mo kapag umupo ka literal na hotseat eh. Tapos hindi ko pa maintindihan ay bakit ang hangin sa school ay NAPAKADALANG! tapos pag meron pa amoy utot pa ng katabi mo o amoy ng slaughter house. Siguro ang hot talaga ng teachers samin. Grabe init sa school eh.

Sino bang hindi makakaalam sa parte ng school na tinatawag na canteen? na kahit ang luto ay lutong bahay ng mga nasa ilalim ng tuloy eh nauubos ang paninda. Gusto ko rin ang presyo nila parang may sprinkles of gold and diamond sa bawat paninda nila. Grabe naman ang mahal eh! Pero nauubos. Ganun talaga kapag pamilihang hindi ganap na kompetisyon (Ekonomiks yun pre!) Talagang maligalig ang mga tao samin. Nakakabili sila ng 30 pesos na isang pirasong manok tapos hindi sila makabayad ng sampung piso sa funds. Nakakagastos rin sila para sa mga jowa nila ng 150 pesos pero di makapag bayad sa ambagan sa project. Mahirap na talagang magsalita eh

Sa huli may tatlong bagay akong nais iwan sa inyo na sa dalawang bagay na iyon ay may isang bagay ang natutunan. Iba iba ang tao sa mundo. Walang perpektong paaralan. Kahit panay insulto ang binibigkas mo ukol sa paaralan mo ay may araw na iiyakan at magbabalik tanaw ka rito. Pero yung mga nangaangkin ng outlet ay dapat burahin sa mundo.

No comments:

Post a Comment