"Pengeng 1 whole!" Sigaw ni Ben na nakatabi ko lang naman. "Utang na loob isang oras na nakalipas ng pinasa natin yan!" Sabat naman ni Jedidiah. "Bahala kayo sa buhay niyo!" Biglang sabat ko at untog ko sa desk ko. Tatlo kaming tao dito sa table na to tsaka 7 na may sariling mundo. Ang ligalig sa room na to, ang dalawang kausap ko nga galing pa ng kabilang section. Sa may unahang pintuan ng room may kumakanta na iisang pantig lang ang naiintindihan mo at gusto mo ng abutan ng bente para tumigil. Sa isang sulok sa room naman may octopus wiring na may katabing nagdodota na may sariling mundo. Meron pa sa likod nagbabasketball ewan ko kung paano nila nagagawa iyon. Meron namang beastmode at hindi niya mahanap ang cellphone niya, maraming nakakakita ng cellphone niya sa kamay niya pero walang nagsasalita at ang lahat ay may sari sariling mundo. Ganito sa classroom ko, grade 10, section Aquarius, mula sa mataas na paaralan ng agham at matematika ng laguna.
"Boss!" sigaw ng matinis na medyo malagong na boses, si noel, nanghihingi ng colored paper.
"anong kulay?" tanong ko.
"Puti" sabi niya.
"ilan?" tanong ko uli.
"walo" sagot niya.
"long o short?"
"long"
"wala"
"short?"
"wala rin"
"nagtanong ka pa!" sagot niya
Kanina pang alas nuwebe ng umaga vacant alas onse na utang na loob pinapasok pa kami. Nasa meeting daw ang mga teacher namin. Kaya puro kalokohan ang inaatupag ng mga kaklase ko. Maraming requirements pero ni isa walang kumikilos, kasama na ko roon kaya di na ko magmamalinis. Akala ko tuloy tuloy na ganito ang buhay ko sa araw na to hanggang sa may biglang umepal...
"Pagplanuhan natin ang design ng room nagmamakaawa ako sa inyo!" sabi ni nicole ang bise presidente ng classroom; magulo ang buhok, yung tipong hindi niya alam na naimbento na ang suklay, bilugan ang ilong, morena, at yung tipo ng mukha na masarap sapakin. Nagsalita siya ng nagsalita kasama ng ibang officers at katapos tapusan ay sila sila rin naman ang nasunod, peste, sayang oras eh nagbunganga lang yun.
"AT SABI KO BAHALA KA SA BUHAY MO! BWAHAHAHAHA!" sigaw ng di ko kilalang boses mula sa malayong upuan, isang tumpok ng mga engot ang nandun kaya di mo makilala ang nagingay, pero mukhang lahat naman sila kaya wala ng dapat sisihin. Pero may nakita ko isang taong nakilala ko; si kath, isang babaeng medyo mataba pero ubod ng ganda, kita mo ang kinang sa kaniya mga mata habang tumatawa at ang ngiti niyang sadyang nakakahawa. Isang dahilan siya kung bakit ako pumapasok sa paaralan.
Nawalan ng kuryente, Di na ko nagtataka kung lahat ba naman ng outlet ay may nakapasok. Andaming nagalit at nabugnot, may sinisi ang school, may sinisi ang gobyerno at may sinisi ang meralco pero ayoko lang magsalita pero kita naman sila sila ang may kasalanan ,mahirap na. Sakit na natin yun ang maghanap ng sisihin sa bawat panahon ng kagipitan isang sakit na walang gamot, lunas o doktor. Bumalik rin kaagad ang kuryente makalipas ng ilang minuto. Biglang bugahan ang mga tao dito eh.
Dumating na ang paboritong parte ko ng paaralan, ang uwian. Minsan iniisip ko na kapag pumapasok na lang ako para umuwi alam kong may problema na ko. Pero may problema nga ako, sino bang wala?! Kinaon ko ang isang kaibigan sa grade 9 narra dahil ritual na namin umuwi ng magkasama. Si jasmine, isang babae na morena na medyo mahaba ang mukha. Kasama siya at ang matalik na kaibigan kong si bryan ay sumakay kami ng jeep pauwi at doon natapos ang isang araw ko sa paaralan.
No comments:
Post a Comment