Ang ganda ng araw...... kasabay ng suspension, hindi ko maintindihan ang gobernador ng lugar namin. Kapag maganda ang araw at magaan sa pakiramdam isususpend ang klase. kapag ang araw ay pangit pa sa C.R. ng NAIA at kahit hangin ay kaya kang patayin ay tuloy ang pasok. Ngunit bakit nga ba nagkakaroon lamang ng suspension kapag wala namang gagawing kapaki pakinabang sa eskwelahan? o kaya may magaganap na kapanapanabik? bakit hindi dumaan ang mga bagyo kapag ang projects ay sinabi dalawang linggo ang nakaraan pero bukas ang deadline kaya ngayon mo gagawin? o kaya sa examinations na halos lahat naman ng pinagsasabi ng guro ay wala sa exam bagkus ito ay na sa libary ng mga babylonian.
Naalala ko nung mga panahon na mageexam, nag eexam at nag exam ako. Tiba tiba sa akin ang tindahan ng kape na malakas ang caffeine dahil kailangan kong pumasa, hindi pa uso yung tsimis na mas malakas ang caffeine ng mansanas, tsaka takte naman parang may mapupulot ka bang mansanas sa daan eh kung kape? mainit sa tiyan pwede pang ipanghingi sa burol ng kapitbahay mo. Sa tagal ko ng nag eexam ay nakagawa na ako ng tips kung ano ang magandang gawin sa simula,habang, at pagkatapos mag exam.
Tips sa mga mag eexam:
1. Kalimutan lahat ng galit sa isa't isa dahil tanging ang test paper lamang ang kalaban ninyo. kakailanganin mong magpa photocopy ng reviewer sa weirdo mong kaklase na subsob na ang nguso kaka take down notes. Take note: maghanda ng bubble gum o kahit anong matamis sa bulsa sakaling tingnan ka ng masama.
2. No man is an Island. Sa kapanahunan ng exam wag kang magpaka astig o cool effect. Siguradong babagsak ka. Lunukin ang pride, at maghandang bumula ang bibig. Lapitan lahat ng honors at alam mong may alam sa wala kang alam, pero sa sitwasyon ko lahat sila ay nilalapitan ko. Kahit yung teachers mo na daig pa si cyclops at medusa pumatay sa tingin ay kailngan mong lapitan para malaman ang coverage ng exam at ano dapat ang reviewhin. Itanong mo ng lahat dahil sa oras na umalis ka hindi ka na makakabalik.
3. Alamin kung sino ang patron ng exams. ayon sa aking pag susuri ito ay si St.Joseph of Cupertino. Pero sapat na ba siya? hindi kasi si beelzebub, satanas at Lucifer ang gumawa ng exams kaya kailngan mo kung maari LAHAT ng santo. Tulad ni St. Bruno na santo ng mga sinasapian ng demonyo kailngan mo siya! alam mo kung bakit? Dahil baka sa pag bagsak ng math test paper mo sa iyo ay mangisay ka na lang na parang nabitawan na chainsaw.
4. Ihanda ang gamit sa digmaan. Mabuting ihanda na ang gamit upang wala ka ng iisipin sa examinations. ito silang lahat: papel(1 whole at yellow pad), Pambura(yung malaki bakasakaling kailangan mo magtanong ng sagot at masusulatan mo ito at pasimpleng pahiramin ang kaklase mo), lapis, ballpen(lima kung maari at itim depende na lang kung pabebe ang mag eexam sa inyo at pink dapat ang tinta), Colored pens, crayola, rosaryo, sampaguita, prayer book, earphones, cellphone, at tubig.
5. Kumain ng tama para sa utak. Sabi nila mainam ang gatas , itlog at cereal para sa mga nag eexam. iwasan daw ang mga pagkain ng matataba at mamantika. Iwasan din ang pag inom ng softdrinks dahil nakakagulo raw ito sa iyo. pero kumain ng tama lamang dahil mahirap na may kalaban ka sa loob mo habang nag eexam.
6. Ihanda ang kalamnan ng tiyan. Mahirap mag exam ng natatae. Hindi totoong mahirap kalaban ang konsensya mo, isa iyong kahibangan, mas mahirap kapag ang mga submarine sa tiyan mo ay kailngan ng mag submerge ay hindi ka na makakapag concentrate. Mabuting Dumumi ng limang beses sa tahanan at tatlo sa eskwelahan( baka sakaling pagtripan ka pa at di ka pa matae).
7. Matulog ng maaga. Dahil mas masarap ang pakiramdam mo kapag nakatulog ka ng sapat. Lalo na yung tipo na sa sobrang sarap eh naka isang subject na sa eskwelahan eh ikaw eh naliligo pa sa laway. Hindi rin maganda yung sa eskwelahan ka matutulog dahil may sasanib sayong multo o katawang lupa na biglang magpapasipag sa iyo. WAG NA WAG MO ITONG LALABANAN hayaan mong sumanib ito sayo hanggang sa paggising mo patay na lahat ng kasama mo.
Ngayon handa na ang sarili mo at kaisipan sa digmaan ay ano naman ang gagawin mo rito?
Tips sa Nag eexam
1. Kumalma ka utang na loob! sa oras na mag panic ka ay talo ka na. Habang nagsasagot ay maupo ng maayos at diretso ang tingin sa papel. Kapag hindi alam ang sagot ay balikan na lamang kapag lumabas ng kwarto ang guro at magtanong sa pinakamalapit na honor sa hindi mo alam at sa mga hindi ka sigurado. Itanong mo na rin kung pwede siya na magsagot ng papel mo
2. Ang isang classroom ay isang zoo kapag may exam. May mga Giraffe na expert mangopya, Manok na putak ng putak ng sagot niya at umaasang may magtatama nito, kabayong nagpapapadyak sa lamesa dahil hindi alam ang sagot sa number 25, pusa na hindi mapakali sa pwesto niya, kambing na nguya ng nguya ng pagkain dahil hindi siya makakalma at guinea pigs na biglang mawawalan na lang ng malay. Piliin kung ano ka sa kanila at makibagay. Maari kang maging aso na tahimik at ginagawa ang dapat gawin ngunit iilan lang sila tulad ng mga taong may common sense.
3. Laging tandaan laging may kalaban sa paligid. Pagkatapos ng isang exam ay may paparating pa na sunod na test paper. Kakayanin mo sila, tiwala lang. Dahil determinasyon ang kailangan mo pangalawa lamang sa pananampalataya. Wag mo sayangin ang pinaghandaan mo. wag na wag kang magpapasa ng blangkong papel dahil mas malaki ang tsansa na tumama ang hula kaysa blangko. Kapag naglagay ng goodluck ang teacher niyo sa likod ng papel ng "God bless" o kaya "Good Luck" maglagay ka ng "Thank you! I really appreciate it Ma'am/sir" Sabay lagay ng smiley emoticon at drawing ni garfield ng nakapeace sign. Kung desperado na talaga mag stapler ng isandaan pag pasa ng papel.
Ngayon nakalabas ka na mula sa ilalim ng impyerno, Ano naman ang gagawin mo pagkatpos nito?
Tips Pagkatapos ng exam
1. Mag-Party! Ayun din ang gaagwin ng mga kongresistang naka takas sa isang alegasyon. Kaya lubusin mo na ang kasiyahan na iyong matatamasa dahil sa pagchecheck ng test paper ay malapit na rin naman kaya mabuting kunin mo na lahat ng gusto mo bago ka bitayin.
2. Pasalamatan lahat ng diyos ng norse,greek,egyptian, roman, si buddha, at si yahweh. kasama narin ang lahat ng santong binulabog mo sa kakadasal kaysa magreview. Pakitandaan na maghanda ng alay sa mga kaarawan nila kung sakaling pumasa ka at wag sumapi sa demonyo kapag bumagsak.
3. Kalimutan na nag exam ka. pag may nagtanong sayo kamusta exam sabihin mo " exam? ano yun? nakakain ba yun?" Sikaping wag magmukhang engot habang sinasabi ito.
4. Pagkatanggap ng papel ay ifold ito ilagay sa isang folder o envelope pumunta sa tuktok ng mount apo at tsaka basahin ito. Pag pumasa ay isigaw ang kasiyahan sa tutok ng bundok. Kung bumagsak man ay kusa ka ng gugulong ng bundok pababa.
5. Ipakita at papirmahan sa magulang ang test paper. Ito na ang hardcore! talagang simula palang dito ka naghahanda. Dahil dito nakasalalay kung makakapag dota ka pa ba o isusubsob mo sa libro ang mukha mo sa isang quarter upang makabawi sa kanila. Muling magdasal kung bumagsak, na babaan ang parusa sa pagbawas ng baon sa pag tiytiyane ng damo sa labas araw araw.
Ngayon tapos na ang proseso sabay sabay tayo.
BABAWI NA LANG AKO NEXT QUARTER!