gusto kita, pero ayako maging akin ka
nakukuha mo ba? kasi nakakatakot na
makilala mo kong lubusan, at umalis ka ng kusa
kaya nga kahit gusto kita, diyan ka lang muna
wala naman kasing problema sayo
mabait ka at maalalahanin ng todo
siguro sadyang ako lang talaga
sa isang relasyon ay hindi pa handa
pasensya ka na ha, minsan na kasing naloko
ang galing nung una, ang galing din humanap ng bago
ang hirap lang magtiwala, kahit magkaiba kayong tao
dahil sa huli ako lang mag isa, ang haharap kapag iniwan mo
kaya nga takot ako magcommit
sadyang takot lang masaktan ulit
pero minsan hindi naman yung ang dahilan
sadyang mas trip ko lang makipaglandian
parang hindi pa panahon
magpapasok ng tao sa buhay ko
dahil kapag umabot na sa puntong nagkakasawaan
ay lalabas na ang samut saring dahilan
kaya ganun wala na munang personalan
hindi ko lang trip ang relasyon
pero gusto kita ha? wag mo kakalimutan
baka sadyang di pa ukol sa ngayon
No comments:
Post a Comment