Bawat sulyap sayo ay isang obrang nabubuo
sa loob ng isipan kong sa pagtakbo ay di na huminto
bawat sulyap at tingin ko sa iyo
ay parang gumaganda ka lalo
Sa bawat anggulo at sulok ng ngiti mo
ay isang magandang tula na hindi pa nabubuo
ang sarap mong sulatan dahil sa iyo
hindi ako mauubusan ng salita
ang sarap mong sulatan
dahil lahat ng iyong ginagawa
ay isang pinong sayaw
ang sarap mong sulatan dahil kahit ang boses mo
ay tila isang tinig ng musika
na ang himig ay naglalambing
ang sarap mong sulatan dahil
sa lahat ng maganda ay maaari kang ikumpara
at kahit ang simpleng bagay ikumpara sayo ay gaganda
ang sarap mong sulatan dahil sa mga ngiti at tawa
mong kahit kailan ay hindi nang insulto
mga kumukurbang labi na laging masaya
at tawa na nagaadya ng kagalakan
ang sarap mong sulatan dahil hindi ka na kailangan sulatan
sapagkat tanga lamang ang hindi makakakita ng iyong halaga
isa kang obra na higit sa kahit anong salita
o kahit anong tulang ikatha
ang sarap mong sulatan dahil ikaw ang tula na hindi ko magagawa
at ikaw ang isang bagay na higit sa isip ay makakatha
pambihira ka sa mata ng nakakilala
at pangkaraniwan sa mga matang bulag sa tunay na maganda
ang sarap mong sulatan dahil kapag ikaw ang nasa isip ko
hindi ko ramdam na nagsusulat ako o nagiisip
basta nahuhulog ang mga salita
pumorporma ng mga talata at tula
ang sarap mong sulatan dahil bago pa man kita sulatan
ay may sarili ka nang halaga na di napansin ng iba
No comments:
Post a Comment