Ikwento mo sakin ang araw mo
nang sa ganon ay para kasama na rin ako
sa mahabang oras na magkalayo
gusto ko malaman anong nangyayari sayo
gusto ko malaman ano naramdaman mo ngayon
kung lumuha ka ba, umiyak o tumawa
ano kaya ang ginagawa mo sa mga simpleng pagkakataon
na ikaw lamang magisa
ikwento mo sakin kung ano ang iyong tanghalian
kung masarap ba o sa waiter nasungitan
mabilis ka bang nakasakay sa jeep kanina?
o matagal din, mabuting naglakad ka na lang pala
nalungkot ka ba kanina?
kung gayon anong sanhi nito?
kung naging masaya ka naman
ikwento mo, para parehas tayo
anuman ang naramdaman mo kaninang umaga
noong simula ng pagbangon mo sa kama
kamusta naman? nahirapan ka bang maligo?
lalo na malamig ang tubig kapag umaga ng alas otso
hindi ako lagi nasa piling mo
at dun ay nagpapasalamat ako
dahil kahit wala sa piling ng isa't isa
ay may sarili tayong mundo
basta bawat detalye ng araw mo gusto ko malaman
para maramdaman ko na nandiyan ka lamang
kahit ilang oras handa naman akong makinig
para maramdaman ko ang saya, lungkot at iyong kilig
at sana wag ka magsawa sakin magkwento
ng mga nangyayari sayo dito sa mundo
dahil ibig kong malaman kamusta ang araw mo
kahit kaibigan lang ako
No comments:
Post a Comment