Tuesday, October 22, 2019

Ikaw pa rin...

Ikaw pa rin ang laman ng bawat katha
at ang bawat salita na tumutugma
sa iniaalay ko sa hangin na tula
lahat naman sila sayo nakatalaga

ikaw pa rin ang hiling
sa isang gabing madilim
sabay sa taas at langit titingin
at hiling sa unang bituin

ikaw pa rin ang iniisip
sa bawat dasal na taimtim
kahit ang mga salitang binigkas sa hangin
ay umaasa na sayo ako ay dalhin

ikaw ang nasa isip ko
sa tuwing maghuhulog ng barya sa balon
sabay pipikit
at hiling na pagmulat ko'y ikaw ay sana mapasakin

matagal tagal na pala
nung una kitang hilingin sa mga tala
ngayong lumuhod na nga sila
wala pa rin akong nagagawa

siguro kahit ikaw pa rin
ay alam kong hanggang dito lang tayo
dahil kahit anong gawin na paghiling
wala pa rin, kung di talaga tayo

kaya sa isang sulok ako magsusulat
ng mga tula at talata na sayo nakatalaga
marahil isang araw isa itong librong mabubuklat
kung saan nakaukit ang mga alaalang wala naman

No comments:

Post a Comment