Wala pa sa opisina
Ngunit ramdam na ang pagod
Iniisa isa ang nakatakdang tungkulin
Dahil di naman mauubos
Ang mga dapat tapusin
Kapit lang sa dapat gawin
Tiwala sa sarili ang dadalhin
At lahat ng pagod pawis
Na sa lupa idinilig
Ay mag bubunga rin para sa akin
No comments:
Post a Comment