Sunday, October 6, 2024

Day 280 of 366: Hantungan

Ganoon sana ang hinanap
Na sana'y tinanggap nang tuluyan
At hindi ko na pinilit
Pumasok sa pamantayan
Na alam ko na hindi naman 
Talaga sakin nakalaan
Sadyang ako lamang
Ang nagpakita
Nung pagkakataon na dumaan
Ngunit ngayong nawawala na
Ang lungkot na nadarama
O pangungulila
Tila wala na ang interes na nasimulan
Pero ganun talaga ang pagkakataon 
Kapag lumabas ka na sa kahon
Malalaman na lamang
Hanggang saan ang hantungan

No comments:

Post a Comment