At gulobay maiwasan
Ngayon ko nararamdaman
Na ako'y tinatapakan
Tila wala lamang
Sa kanilang isipan
Ang aking pangangailangan
Siguro'y nakasanayan
Na ako'y gawing basahan
Kaya ako'y magsalita man
Sa kanila ay wala lang
Kaya ngayo'y galit at sukdulan
Hindi ko malaman
Saan ang paglalagyan
Nang emosyon naipong tuluyan
Marahil respeto ay malayo na
Makuha sa kanila
Kaya dapat na naming paghandaan
Ang nalalapit na paglisan
No comments:
Post a Comment