Tuesday, September 7, 2021

Yan muna sa ngayon

Wala naman talaga silang pakialam sayo
Kung kung meron man kahit kakarampot
Hindi ka nila ganito itatrato
Hindi nila sasagarin pasensya mo
Sa hinahaba haba ng mga taon
Sabay sasabihing ikaw ang mali
Sa pagkakataon na ikaw ay sumabog
Tiniis ka, hindi minahal tandaan mo yan
Sabay sumbat ng mga bagay 
Na hindi mo naman hinangad
Sa isang libong beses na gagawa ka ng tama
Ay maglalaho kapag pumalya ka ng isa
Sa taong taon at buwan na iyong pagtitimpi
Sa panahon ika'y galit sila babaling
At dun nila iipunin ang pintas
Dahil matagal nilang inintay na ika'y madulas
Hinding hindi nila aaminin ang nagawa
Sa huli ikaw pa ang masa

No comments:

Post a Comment