Ako'y mulat hanggang madaling araw
Dahil bagamat ang aking katawan
Ay humihiling nang pahinga
Nananatiling sa aking isip
Ako'y isang alipin
Alipin ng mga alaala
At pagisiip ng ano kaya
Ano kaya ang nangyari
Kung sa ibang pagkakataon
Kita napansin
Sa ibang panahon kaya
Ako'y iyong pinili?
O kahit anuman ang ihip ng hangin
Ang resultang hindi mo ko mahal
Ay sadyang mananatili
Tila bumubulong pa saking isip
Ang mgasalitang hindi mo sakin pagpili
Multo ng kahapon na nanatili
Na ayaw patahimikin ang aking isip
Masakit at may kirot pa aking aaminin
Na kahit anong mangyari ako'y di mo pipiliin
Kung alam ko lang na nag resulta ay ganito
Sana sa ibang tao ko na lang naramdaman
Yung naramdaman ko para sayo
No comments:
Post a Comment