Paliligo sa pinakamaagang oras sa umaga
Pagyuko sa jacket na luma
At pagsuob sa mga malalambot na unan
Mga bagay na nagtatago ng akung luha
Luha ng pangungulila
Luha ng minsang may naramdaman
At ang pagbalik ay hindi natikman
Sa paglimot ng mga alaala
Unti unting nababasa ang mga mata
Sa mga nangingilid at namumuo
Tila nawalanako ng pangkita
Pangkita sa kinabukasan naikaw ang kasama
Dahil isa kang malaking ilusyon
Isang malaking ilusyon
Na ako ang pipiliin mo sa huli
No comments:
Post a Comment