Wednesday, August 11, 2021

Kung ikaw ang habang buhay

Kung ikaw ang habang buhay
Bakit ang paglisan mo'y tila'y masagana
At mistulang nabunutan ako ng tinik
Akala ko ako'y tatamlay
Ngunit ang mga araw ko'y mas masagana
At sa kinabukasan ako'y

Kung ikaw ang habang buhay
Bakit ang dapat na sakin masakit
Ay tila nakapagpapalaya
Sa aking minsang nararamdaman
Na wala naman talagang pinatunguhan
At sa pag luwag ng aking kapit
Ay ramdam ko ang aking ligaya

Kung ikaw talaga ang habang buhay
Bakit sa panahon na ika'y lumisan
Lumuwag ang aking paghinga
Kung talaga tayo pang matagalan
Bakit nung umalis ka ganito ako kasaya?

No comments:

Post a Comment