Tuesday, January 7, 2020

7 of 366: Iba.

Sa iisipin ng iba ikaw ay kabado
sa loob ng sarili mong hawla na ikaw mismo ang bumuo
sa opinyon na sinambit ng ilang segundo
ay iyong pinaikot ang buo mong mundo
sa papuri ng iba ikaw ay naging sabik
kaya di mo matanggap pag may hindi magandang balik
nilalason mo ang sarili mong utak
at sa sarili mo ikaw na ang nagpapahamak
dahil sa tama o mali may sasabihin sila
pwede maganda, pero madalas hindi talaga
kailangan mo lang mabuhay na nandyan sila
dahil kung tatanggapin mo lang, ay di ka uusad
bilang isang tao ay marahil kang hindi umunlad
dahil naging bilanggo ka na ng sarili mong isipan
sa akala mo ay lagi kang paguusapan
pero kung alam mo lang ang sarili mong kagustuhan
siguro ang opinyon ng iba
ay hindi mo na kailanman pagninilayan

No comments:

Post a Comment