at mga araw na walang pahingahan
aagawin ng pag-aaral
ang masarap kong mga pahinga
makikita ko uli ang mga kaibigan
pero mas masarap buong araw sa higaan
kung titingnan ang nakaraang bakasyon
hindi ko naman inihanda sarili ko
hanggang ngayon ramdam ko ang puyat
tapos alas dos na ko ng umaga nakatulog
yung gamit ko kalat kalat pa
tapos tatlong piraso npa lang ang yellow pad
wala pa ata kong ballpen
pero baka naman nasa pag iisip lang to
malay natin mas maganda ang semestre na to
malay natin kung mas maayos ang dadaan na taon
pero ang malinaw sakin ngayon
ayaw ko pa pumasok
No comments:
Post a Comment