Higit na pasensya at pagunawa ang kinakailngan sa mundo ngayon, maraming problema sa mundo na salapi lamang ang solusyon ngunit may mga bagay na higit doon ang kailangan.
Masarap makipagasaran, totoo.
Mga bagay na kapuna puna o kakaiba sa ating kapwa. Maaaring sa kanyang itsura, karanasan o kaya sa sitwasyon ng tao na yun sa mismong pagkakataon. Pero may nagsabi sa akin noon. "Kung hindi kaya baguhin o ayusin ng isang tao ang iyong pupunahin sa loob ng sampung Segundo, ay wag na wag mo sisitahin ito" mga simpleng salita na may malalim na kahulugan.
Hindi pantay pantay ang kagandahan ng tao. Lalo na sa pinagdaanan. Kaya't di ko lubos maunawaan kung paano naging katatawanan ang pinagdaanan ng isang tao. Halimbawa, may isang taon na ibinuhos ang laahat ng kanyang makakaya sa isang proyekto o adhikain. Dapat ba nating ipamukha ng paulit ulit ito sa taong alam mo na bagsak na bagsak ang kanyang damdamin dahil sa kaganapan?
Eh paano kung mapuno ang tao na ito at biglang sumabog? Edi siya pa ang masama?
No comments:
Post a Comment