Wednesday, August 7, 2024

Day 220 of 366: 5th Death Anniversary

Parang kahapon lang
Ay kausap pa kita
Kung anong nangyari
Sa basketball kanina
At kahit limang taon na
Ang lumipas nang mula
Na ikaw ay namayapa
May mga araw talaga
Na mayroon saking pag aabang
Na sa ating tahanan
Ikaw ay uuwi pa
Parang kahit limang taon na
Ang lumipas talaga
Pilit ko pa rin iniinda
Ang sugat na iniwan
Halo halo ang aking nadarama
Sa ating pinagsamahan
Sana lamang
Ay nagkaroon tayo nang
Panahon magkaunawaan
Pero huli na lahat
At ikaw ay wala na
Ang bahay na naiwan
Ay tila lumaki pa
May mga butas sa puso
Na hindi kaya punan
At mga buhay sagana mo
Na sana ay iyong naranasan
Masama pa rin loob ko
Sa biglaan mong paglisan
Tila hindi ko matanggap
Na ganun ganun na lamang
Marami pa kong mararating
Tuktok na Hindi sukat isipin
Mga rurok na hindi natin inaakala
Ngunit bigla nating matatamasa
At pag dating nang panahon na iyon
Ay wala ka
At hindi na babalik pa

No comments:

Post a Comment