At tatapos ng proyekto
Gagastusan ko na rin yan
Matapos na lang
Hindi na ako magsasalita
Kahit sakit ay iniinda
Kahit may mga bulungan
Na ako ang pinagpapaksaan
Inyo na lahat ng papuri
Wag na magtira sakin kahit kaunti
Kayo na mga magagaling
Kayo na rin ang hindi pwede galawin
Hindi na ako magsasalita
Sa mga nakikita kong hindi maganda
Kahit bwisit na ang pakiramdam
Sige akin na lang yan
Akin na lang lahat
Sapagkat walang umuunawa
Mga bagay na sakin nakakabahala
Inyong pinagsasawalang bahala
Kaya akin na yan lahat
Wala kayong matirinig saking reklamo
Hayaan nang ganyan manatili
Wala na lang kayong masabi
No comments:
Post a Comment