Saturday, May 11, 2024

Day 132 of 366: Mainit nang Sobra

Nakahiga sa kama
Walang gana
Sa mga bagay na
Noon nagbibigay saya
Pakiramdam ay wala
Sobrang init pa
Maalinsangan pakiramdam 
Tila naiinis na
Nababagot sa isipin
Kahit walang dapat aalalahanin
Naiirita kahit 
Walang nangungulit
Naumay na siguro
Sa ikot ng mundo
Na hindi pumabor
Sa akin 
Sa kahit anong 
Pagkakataon 
Umay na umay sa ganitong
Pakiramdam
Kailan kaya
Makakadama nang saya

No comments:

Post a Comment